Chapter 45 (Reunion)

943 37 1
                                    

Chapter 45

Astherielle's POV

I don't know what I would feel when I see Sheids sitting down below. Isa siya sa mga bisita. At paanong hindi ko siya mapapansin? Siya lang ang napansin kong hindi pumapalakpak. Nakatulong iyon para lalo ko siyang mapansin at makilala. Nasa pinakagitnang puwesto ang table nila at... isa si Fergus sa mga ka-tables niya.

Magkakilala sila?

Wala namang nababanggit si Fergus sa akin kaya hindi ko rin alam. Na-meet ko na ang tatlo niyang ibang kaibigan dahil din sa kaniya. That was one month ago. Pero hindi pa si Sheids- kung magkaibigan nga sila.

If they know each other, is it possible that the person I saw in the chapel on the day of my wedding to Cloud was indeed Sheids? Could he have been one of the guests that day? O baka kung anu-ano na lang ang nakikita ko noong araw na iyon?

I can't find the right way to breathe when I realize that I didn't make a mistake about where he's looking now. I'm certain that he's looking at Faja at this moment. At nang mapunta sa akin ang mga mata niya, mas lalo akong hindi makahinga nang maayos. Ramdam ko ang panlalaki ng mga mata ko sa pagkabigla.

Mahigit tatlong taon na rin ang nakalilipas pero ramdam ko pa rin iyong nakakikilabot na guilt sa dibdib ko. I lock eyes with the father of my child, our gazes intertwining in a dance of bittersweet memories and unspoken truths. Ama pa rin siya ng anak ko...

My heart still recognizes him as the first man I deeply loved, despite the passage of time. But following that was the pain of the last memories I had of us.

Na-realized ko... hindi ko na siya mahal...

Yeah... Hindi na. Wala na akong maramdaman.

Nagbuntis ako kay Faja habang nilalabanan ang sakit ko. Halos nakakulong lang sa loob ng kuwarto, takot lumabas at uminom ng mga gamot. I pushed through my pregnancy with minimal medication, determined to ensure Faja's health. Despite assurances of the safety of those medications during pregnancy, I still refrained from taking them. Hindi ko rin inakala na kahit nagdadalang-tao na ako, tatabla pa rin ang sakit ko. Mas malala ito sa unang buwan ng pagbubuntis ko.

Sobra akong natakot na mawalan ulit ng anak. I was overwhelmingly afraid of losing my reason to carry on with life.

Bumabalik lahat sa simpleng pagkakatitig ko sa mukha ni Sheids.

Sobra lang naman akong nagmahal noon, pero ang sakit ng balik. Pati sakit ko, pinandirihan at itinatwa niya.

Tama na ang ilang taong iniyakan ko siya.

Tama na ilang taong siya pa rin...

Nang lumabas ako ng facility, pinangako ko rin sa sarili na titigil na ako sa paghihintay sa kaniya.

Ibinalik ko kay Cloud ang paningin. Hinigpitan ko ang yakap kay Faja.

Mas mahal ko na ang sarili ko ngayon. I forced myself to love myself more than him because that was what would save Faja back then. If I hadn't done that, my bleeding and physical decline would likely have continued.

Choosing myself is also choosing my daughter and my papa...

Nasasaktan na lang ako para sa anak ko. Perhaps it will be difficult for me to make her understand that it's highly unlikely for her to ever recognize her real father.

Paano ko sasabihin sa kaniya na sa pagpupumilit kong bigyan siya ng kompletong pamilya, nawala ang kambal niya?

"Are you okay, wife?" si Cloud na napatingin sa akin, nag-aalala ang mukha.

Itinaas niya ang kamay para awatin ang mga media at photographers sa ibaba ng stage. Utos nang utos kasi ang mga ito na tumingin kami sa kanila.

"Y-Yeah..." Ngumiti ako nang mahimas-himasmasan.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon