Chapter 27 (Stop this)

1.3K 43 2
                                    

Chapter 27

Scheids' POV

"Ano ka, sinusuwerte?" matalim-talim ang mga mata at boses nitong salubong after mabilisang pagsawaan ng mga labi ko ang mga labi niya at ng mga kamay ko ang dalawang dibdib nito. "May nanliligaw b-bang..." gilalas nitong ibinagsak ang mga mata nito sa mga kamay kong nakahawak pa rin doon. "Sabihin mo nga kung ano ito? Nanliligaw ka pero... nananamantala? Talaga bang nanliligaw ka, ha? Nasaan ang respeto mo sa babae?"

Medyo nabanat ang mga mata ko sa kinalalagyan ng mga ito sa pagmulat ko ng mga ito. Pagak na natawa nang ma-realized kung ano ang gusto nitong i-point out doon. Saan ka naman kasi nakakita rito sa Pilipinas ng lalaking hindi pa man pinapayagang manligaw ay bigla na lang humahalik at humahawak sa kung saan- saang parte ng nililigawan niya?

Where did it happen in our world where something interfered with our bodies before the first thing that ought to emerge, which is courting initially? Hindi ko rin alam, eh. Basta na lang nangyari iyon. Sa daming laman ng utak ko, ni isa walang gusto mag-represent or mag-defend man lang sa akin patungkol sa mga violations na nagawa ko rito. All I know is that I'm happy and enjoying her company, her kisses, her skin and body.

Sa Turkey, conservative ang mga tao roon. My Daddy raised us according to the race he grew up with. Disciplined, religious, loyal, hospitable, obsessed with health and hygiene, direct and authoritarian. Pero dahil hindi papatalo ang lahi ni Mommy, talagang humalo iyon sa amin as we are growing up. It comes out naturally dahil very authentic na tao ni Mommy, nasa loob man ng bahay ito o hindi. Never nitong hinubad ang pagiging isang Filipina niya. Nag-a-adjust sa lifestyle, culture and etcherera si Mom doon for my Dad to do the same sa kaniya.

Kahit parehong conservative ang mga parents ko, outside the house and inside the internet, marami nang mga bagay na magpapakupas nang kaunti sa mga nakuha at natutunan ko sa kanila. Nagbabago na ang mundo habang tumatagal, gano'n din sa mga taong nakatira dito. Depende sa tao kung ano ang gusto niyang isabuhay habang nabubuhay. Pero ako, I admit marami akong naging kalabisan. The bottom rock was naging maabuso ako sa katawan ko dahil sa mga bisyong na-adapt ko sa mga kaibigan ko at naging famous playboy. Actually, hanggang ngayon pa rin naman pero... ewan ko kung ba't hindi na ako nakaalis sa babaeng ito? Parang ngayon ko pa lang na-feel kung ano talaga ang gusto ko.

"Ano? Nasaan? Ngayon hindi ka makasagot kasi alam mong mali ka. Pahiya ka kasi nakailang chancing, halik, hatid ka na sa akin, ngayon mo pa lang ako aalukin ng ligaw? Pepektusan na po yata kita..."

"Eh, bakit kasi ngayon ka lang nagreklamo?"

Kung bakit tumigil siya ay siya lang ang nakaaalam. Pero ako na nagkakaroon na ng mga hints kung bakit, pigil na natatawa na lang sa loob ko.

"Ah, basta! Wala sa akin ang sisi. Talagang may pagkaman-"

"Ituloy mo at hindi ko itatanggi."

Akala niya yata mapapatiklop niya ako sa pang-re-real talk niya sa 'kin. Huh! Proud akong pervert ako, 'no. Normal na lang sa akin iyon kapag gusto ko iyong babae at mas malala na naman kapag na-attached na talaga ako rito. Kaya ko nang magdamag, straight at walang pahinga.

"Never mind... Ang tali-talino ninyong tao pagkatapos ako pa itong hihintayin ninyong mapaintindi sa inyo nito?"

"Ang sarap pa lang maging bobo paminsan-minsan..."

"Hindi ko kayo bino-bobo, sir... Padalus-dalus lang."

"Hindi ako nagpapadalus-dalos, Miss Zuluetevo, ginusto ko lahat ng mga namagitan sa atin. Bakit ba parang hindi mo matanggap iyon?"

Hindi na ito nakipagbangayan pa. Tahimik itong umusog pabalik sa upuan niya at inumpisahan na namang buksan ang pinto roon. Pero inabot ko ang controller at ni-locked iyon.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon