Chapter 20
Astherielle's POV
"Hindi ko sinasabing gayahin mo ako, Miss Zuluetevo. Ang pinapakita ko lang sa iyo at sa mga iba mo pang kasamang contestants ay iyong mga ginawa at ipinakita ko kaya ako nanalo noon," si Miss Paula habang propesyonal na propesyonal sa ginagawa nitong turns and poses.
Nakabibilib lang talaga ang ginang na ito. Effortless and ang smooth lang talaga ng mga ginagawa niya. Kanina pa ako nai-starstruck dito, eh.
Kung bakit ako nakarating dito sa Batangas, kung bakit pumayag akong isuot itong dress na ito na walang manggas at hanggang tuhod at kung bakit ginagawa ko ang best kong matuto sa unang sabak ng training namin sa gaganaping pageant sa department namin, itong lahat nang ito ay dahil kay tita Mavic...
Flashback
Two weeks ago...
Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako habang nakatitig dito. Dito sa University ako nagpahatid kay Sir Fawzi. Pinipilit niyang ihatid ako sa bahay pero pinaliwanag kong baka bigla akong sunduin ni Tita. Wala itong text ni isa nang halungkatin ko ang inbox ko. So, baka nakalimutan din niya na susunduin niya ako or baka na-busy na naman sa trabaho.
Kaya kahit na maghahating-gabi na, nagtiyaga pa rin akong maghintay sa kaniya. Sinabi ko na lang sa message na kung susunduin man niya ako, nasa main gate lang ako at naghihintay. Hindi umalis si Sir sa tabi ko hanggang sa hindi bumubungad ang sasakyan nito. Kinibo na lang ako nito nang tumigil ang sasakyan ni Tita sa tabi. Kaya iyon, wala na namang chance na maipakilala ko sila sa isa't isa dahil umuwi na rin ito.
Tita looked very haggard when I saw her. Her eyes are tired and she seems to have a problem again that she is not telling me. Nasa mukha nito iyong pagkadismaya niya sa sarili.
Malakas itong napabuntong-hininga nang mapatigil sa tabi ko. Ngumiti pero hindi naman umabot hanggang sa mga mata niya.
"I am sorry... Nakalimutan kitang sunduin... Nakalimutan ko pati iyong oras... Kanina ka pa ba naghihintay."
Nagsisimula na akong maging emosyonal sa loob-loob ko. Pinalayas ang mga nagbabadyang mga luha sa pamamagitan nang pagkurap-kurap at pagtingin-tingin sa paligid. Ako iyong nagi-guilty na nagi-guilty siya sa sarili niya ngayon.
Kaya tamang-tama lang pala na naisipan kong lumagpas sa boarder line kanina kasama si sir dahil alam ni Lord na kailangan din ng time ni Tita.
BINABASA MO ANG
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)
RomanceStarted: Nov. 15, 2022 Ended: June 25, 2023 Lumaki si Astherielle Zuluetevo kasama ang ina nitong s*x addict at nagtatrabaho sa club bilang isang bayarang babae. Naging bunga iyon para ma-developed s*xual disorder nito na para lang sa mga babae, ang...