Chapter 5
Astherielle's POV
"A-Ah... C-Calculus..."
Tumingin ako sa magkabilang gilid ko pero mabilisan lang para naman hindi masyadong halata na nate-tense ako sa lalaking ito at sa marami pang mga matang nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong inayos muli ang pagkakatayo habang pasimpleng nag-iisip.
"Ah... H-Honestly, hindi ko po memorized iyong p-pinaka-exact and complicated definition na rin nito para sa akin..."
Complicated naman talaga sa unang basa ko noon.
Nilipat ko ang mga mata sa blackboard as my excuse. Para naman hindi ako masyadong napaghahalatang tagakilatis ng lalaking ito. Ang daya lang ng vision ko, naroon man banda roon ang paningin ko, malinaw ko pa ring nakikita ang kaguwapuhan at kakisigan ng Professor na ito.
Why am I doing this again?
Ah, I know... Maybe this is the first time I've seen a man with good looks. I'm sure there are more handsome than him, but since I'm too shy to look at the faces of my classmates one by one, I assumed that this was the most handsome man I've seen at this time. Yeah... Of course... Mamaya ay titingin pa ako ng mas guwapo sa kaniya!
Sa pamamasyal ako nawili kanina at hindi sa pagtingin-tingin ng mga tao sa paligid ko. Ang dami kong oras para manulit ng time kanina. Itong time na ito lang napirmi ang atensiyon ko kasi nasa klase na ako at kaharap pa ang subject teacher ko na una kong nakakilala at nakita.
"Just answer me what you know, Miss Zuluetevo," he said again in a bored tone.
Hindi man lang ako pinag-adjust ng lalaking ito! Pinag-recite ako hindi pa man din umiinit itong puwetan ko sa seat. Ih!
Gusto kong hawakan ang baba ko habang inaalala iyong exact talaga na meaning niyon. Parang hindi kasi mahuhuli ng utak ko kapag hindi ako nakagano'n na posisyon. That is one of my involuntary mannerisms...
"But I know the simplest meaning of it for me... Sa akin lang naman... In m-my own understanding..."
"My time is running, Miss... All of us," demand nito sa malalim na boses. Oo, malalim ang voice niya pero mas malalim ngayon dahil natatagalan na siya sa akin.
Gusto kong mapangiwi sa hiya. Simple meaning kako iyong alam ko pero parang nabura din kaagad sa utak ko iyon.
Napalunok ako nang dahan-dahan nang humalukipkip ito at bahagyang pinagalaw ang mga makakapal nitong kilay paitaas. "Ano? Sasagutin mo pa ako o hindi?" Iyan iyong tanong na nababasa ko sa mga mata niya ngayon.
Mabuti na lang talaga at naalala ko iyong first module na binigay sa akin ng adviser ko noong first day of homeschooling ko this sem.
"A-Ah..."
"I don't need your moans, Miss Zuluetevo. I need you to answer the question."
Umungol! Sino? Ako? Umuungol na ang tawag niya doon?! Eh, wala namang pinagkaiba iyon sa sound na "Ummm" at "Hmmm" tuwing nag-iisip ang tao, eh!
Nagsiyukuan ang mga green-minded kong mga kaklse para itago ang pagtawa sa akin. Naririnig ko silang lahat kahit pa magtago sila, ano ba?!
"I-I am n-not-" Tumigil ako at nilunok na lang iyong iba ko pang sasabihin. Mahirap nang mas lalong mapahiya.
Sh*t talaga! Bakit sa naging reaksiyon ng mga kaklase ko ay tila kinukumpirma nilang umungol nga talaga ako?! Napahihiya lang ako rito, eh.
Gusto ko nang makaalis sa malas na sitwasyon na ito kaya mabilisan kong hinanap sa kasuluk-sulukang parte ng utak ko iyong sagot na kumpiyansa akong tama.
BINABASA MO ANG
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)
RomanceStarted: Nov. 15, 2022 Ended: June 25, 2023 Lumaki si Astherielle Zuluetevo kasama ang ina nitong s*x addict at nagtatrabaho sa club bilang isang bayarang babae. Naging bunga iyon para ma-developed s*xual disorder nito na para lang sa mga babae, ang...