Chapter 19
Sheids' POV
Dalawang linggo ang lumipas, ganiyan katagal ko na ring inaanalisa sa isip iyong nakadadalang tingin ni Miss Zuluetevo sa akin matapos kong ipagtapat sa kaniya iyong kumpanyang medyo iniyabang ko rito. Company na hindi naman talaga ako sigurado kung ipapamana pa sa akin ni Daddy.
Saturday ngayon. Umagang-umaga pero nabablanko ako. Ito man lang iyong libreng araw na wala akong maisip na gagawin o pupuntahan. Often on this day, Tara and I are already together and on a trip to the outside of Metro Manila. Kung saan-saan kami napapadpad, Tagaytay, Baguio, Laguna at marami pa. Madalas naming kasama ang circle of friends niya. Sa dalas ng paglabas-labas namin, never ko pang nadala ito sa vacation house namin sa Batangas. Ni hindi ko pa nababanggit dito ang tungkol sa private property naming iyon.
Iniunan ko ang likod ng ulo sa braso. At sa pagtingin ko sa malaking bintana sa tabi ko, ang babaeng iyon na naman mula sa dalawang linggong nakalipas ang nakita ko. Wala akong ni isang suot. Ganito talaga ako matulog simula nang mabuhay akong solo. Ito na iyong isang tungkol sa 'kin na hindi ko na matatanggal pa basta nasa sariling bahay.
"Bakit kaya parang nakabantay ka na lagi sa isip ko, Miss Zuluetevo? Ano na naman ba'ng ginagawa mo riyan?" I let out a long sigh. "Hindi kaya... iniisip mo rin ako?" ngisi ko sa kawalan saka tumawa nang mahina. "Makagat mo sana ang dila mo... Sigurado iyan... Lagi kitang naiisip, eh..."
Ginugulo ako ng mga napansin ko rito. After three days mula sa huling pag-uusap namin, naging tila mas focus ito sa sarili at sa pag-aaral niya. Tatlong beses ko rin siyang namataan sa loob ng library. May puwesto siya roon kung saan siya malayang nakapag-iisa, nakapagbabasa, nakapagpapahinga at kung minsan, nakatutulog. I once found her there asleep on her table. Ginawa niyang pantakip iyong libro sa ulo at mukha. Manipis at pahabang libro iyon kaya sa ginagawang pagpapatayo niya rito ay hindi mo mahahalatang may natutulog sa ibaba nito.
At isa pang wirdong napansin ko rito at siguradong hindi lang ako kundi pati na rin ng mga klakase at ibang schoolmates niya, ang madalas nitong pagsuot ng shades. Natatawa pa rin ako tuwing naiisip ko iyong unang beses niyang pagpasok na nakasuot ng gano'n, pero on the other way around, mas nagtataka ako kung para saan iyon.
Ina-assume ko tuloy na baka ayaw lang niyang malaman ko na nakatingin siya sa akin kaya gumagamit siya ng gan'on sa klase ko. Pero hindi, eh... Kahit sa labas ng klase ko ay nakikita kong suot-suot niya iyon.
Nalulungkot akong para kaming naging strangers sa isa't isa. Hindi ko na nakikita ang mga mata niya... I am missing those... Really longing for those... Sinasadya kong tawagin ito para mag-recite sa klase ko. Sumasagot naman siya at nakikipag-usap nang pormal sa akin pero wala yata talaga siyang balak magbigay ng galang sa 'kin through removing his shades before answering me.
And I let it all happened. Busy rin naman ako sa buhay at sa trabaho ko. Ang mahalaga, pumapasok at hindi na niya dadagdagan iyong tatlong araw na pagliban niya sa klase. Isa pa iyon na hindi ko na nalaman ang dahilan. Maybe she just wasn't comfortable with the actions and the things I said to her in the past. Siguro or baka may iba pa... I don't know.
Bumangon ako nang makita ang oras sa wall. Nalalapit na naman ang oras na pagtawag ni mommy. Kailangan ko nang bumangon at umalis bago pa mag-ring nang walang tigil iyong telepono sa cradle.
After I ate, I took a shower and sped up. My every move is quick even though nothing is completely certain today. Okay lang sa akin iyong maiksing kumustahan namin ni Mom, pero iba ito mangumusta, eh. Maghapon kang chichikahin! Wala pa akong maayos na maikukuwento rito bukod sa ganap ko sa trabaho sa University. And si Dad... Madalas siyang nasa tabi lang ni mommy tuwing tumatawag ito sa video call, hindi ako pinapansin at tutok lang sa ginagawa nito. He's still mad at me. Hindi ko matiis iyong coldness nito kaya gagawa na lang ako ng paraan para makaiwas.
BINABASA MO ANG
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)
RomanceStarted: Nov. 15, 2022 Ended: June 25, 2023 Lumaki si Astherielle Zuluetevo kasama ang ina nitong s*x addict at nagtatrabaho sa club bilang isang bayarang babae. Naging bunga iyon para ma-developed s*xual disorder nito na para lang sa mga babae, ang...