Chapter 38
Astherielle's POV
"Yes... Oo na kaagad," tawa ko nang sobrang saya, hindi na iniisip ang iba pang mga bagay, specially our plans with tita after my graduation.
I'll think about those later. What's important to me is this, the plan that Sheids and I have after my graduation. Isasama ako ni tita sa Netherlands at doon na magtatrabaho at titira. Pero plano pa lang naman. Baka puwede pa akong umapela. Pero siya, talagang matutuloy na siya roon dahil ikakasal na siya sa boyfriend niya.
Natatawa lang ako sa mabilis kong pagpayag sa alok ni Sheids. Para na akong naka-jackpot sa alok niyang 'yon, eh! He smiled widely, still kneeling on the floor.
What is this, a low-key proposal?
Basta ang sarap mag-assume sa oras na 'to!
After my graduation and after his resignation, puwede na kaming maging official. Iyon ang iniisip ko kaya nae-excite ako!
I approached him and hugged him tightly in gratitude. His offer was such a big deal for me and erased all of my doubts from the past hours, especially after he opened up about his past. May fiance siya... May anak din.
Niyakap naman niya ako pabalik kaya mas lalong napaawang mga labi ko sa pagngiti.
"I love you..."
Nang humigpit ang yakap n'ya sa 'kin, pakiramdam ko nag-I love you back din siya.
Naalala ko lang iyong lagi niyang ginagawa sa akin, noong hindi pa kami ganito kalapit. Lagi niyang bigla na lang inaayos ang buhok ko. Nagagalit siya tuwing magulo ang buhok ko. Kaya natuto akong mag-ayos ng buhok dahil sa kaniya. Favorite niya akong ayusan at sukla-sulayin sa buhok. I was really surprised when I found out that he knows how to braid hair. Ang dami niyang alam na styles ng braid.
Siguro... siya 'yong unang sumugod agad sa lugar kung saan naaksidente ang girlfriend niya at nakita ito sa magulong buhok, duguan at wala nang buhay... Iyon na siguro iyong ibig niyang sabihin noon.
Basta haharapan ako sa kaniya dapat maaliwalas ang mukha ko dahil nag-iiba ang timpla ng paghinga, tingin at kilos niya kapag hindi, seems like he is remembering something and it's causing him distress.
Gusto ko pa sanang i-express 'tong kilig at tuwa ko sa kaniya pero tumawag na si tita at sinabing malapit na siya sa main gate. Magkasunod kaming bumaba ng building at magkahiwalay nang tahakin namin ang daan papuntang main gate.
"Kumusta ang thesis at OJT mo, hija," pag-iiba ng usapan ni tita. "Hirap niyan, ah. Halos pinagsabay. Hindi ka ba nahihirapan?"
"Hmmm... Medyo po, tita. P-Pero kaya pa naman po. Salamat."
Ngumiti siya at mabilis akong binalingan. She immediately shifted her attention to driving after. Parang tiningnan lang ako para ipakita na natutuwa siya.
"Lilipat na ang kuya mo sa mas malaking bahay sa Netherlands. Sinabi ko kasing kasama na kita pagbalik ko roon."
She was extremely overjoyed with that news, and I had to hold back my emotions so as not to ruin the moment. Talagang may plano na siya sa amin.
"At saka may papasukan ka na ring trabaho pagkarating mo roon. May mga alam ang kuya mo na mga plantasyon doon. Hiring sila ng mga Biochemists. Sakto! Mabuti na lang talaga at walang board exam ang napili mong course."
Sinabayan ko si tita sa mga plano niya para naman mabawas-bawasan ang pagod niya. Pero sa loob-loob ko, parang mas gusto ko pa ring sumama kay Sheids. At iyon ang gagawan ko ng paraan.
Tita doesn't know about my disorder relapse, only Regan and Sheids are aware. Regan advised me that after graduation would be the perfect time to confess it to her. Tama naman si Regan, dapat kong unahin ang pagsabi rito para makabalik na rin sa gamutan. Iyon naman ang una kong gagawin at kauusapin ko si Sheids tungkol doon.
BINABASA MO ANG
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)
RomanceStarted: Nov. 15, 2022 Ended: June 25, 2023 Lumaki si Astherielle Zuluetevo kasama ang ina nitong s*x addict at nagtatrabaho sa club bilang isang bayarang babae. Naging bunga iyon para ma-developed s*xual disorder nito na para lang sa mga babae, ang...