Chapter 25 (Rest House)

1.7K 49 0
                                    

Chapter 25

Astherielle's POV

Hindi ako makatutulog kung hindi sa tulong ng ininom kong gamot. Salamat na rin dahil nagising akong maayos, may mga damit pang suot at maayos na humihinga. Saktong mag-e-eight din nang magising ako. Tamang-tama lang for nine o'clock start of training.

Maluwag naman ang committee sa amin, walang sapilitan sa mga inisa-isa nilang expections sa amin, pero siyempre kung gusto talaga naming matuto at manalo ay iyon dapat ang gawin namin. Iyon ang makabubuti, makatutulong at makahahasa pa sa 'min, eh.

When I woke up earlier, I looked at where Sir Fawzi was lying next to me last night. Napapapikit at napapabuga na lang ako ng hangin tuwing naaalala ko iyong mga namagitan sa amin kagabi. Iyong halikan namin sa pampang, iyong ginawa niya sa isang dibdib ko, dikitan ng mga balat namin at pangalawang mas mahaba na namang halikan namin dito, ay sapat na para lumubog ako sa hiya. Kinikilabutan ako at pinaginginigan ng mga laman basta sasagi sa isip kung gaano ako naapektuhan ng mga pinaranas niya sa 'kin na first time ko rin na madama.

Hindi ko alam kung saan ito nagpunta. Basta nagising na lang akong balot na balot ng comforter.

Dahil maya't maya ako kung pagtaasan ng mga buhok sa katawan ay nagpasya akong huwag nang isuot iyong mga pinapasuot sa aming mga candidates. Oversized cargo pants, t-shirt na itim at maroon oversized hoody jacket ang napili kong isuot na kaagad. Ito na rin ang suot ko sa biyahe mamaya.

"Siguro naman hindi na kita makikita mamaya..." kausap ko sa sarili habang gigil na pinahihigpitan ang sintas ng sapatos ko sa kaliwang paa.

Muli na naman akong napakurap at napaungol nang payamot nang balikan na naman ako ng mga iyon. Iyong sensasyon dulot ng mga hawak niya sa balat ko, iyong hininga at laway niyang manamisnamis dahil sa pinaghalong natural na aroma ng laway niya, alak at sigarilyo, iyong mga titig, tingin, ngiti at tawa niya before, during and after ng lahat-lahat, fresh na fresh pang lahat sa muwang ko. Parang kanina lang nangyari ang mga iyon.

At kahit na balot na balot na ako ngayon, pakiramdam ko naka-hang pa rin itong tila hubad kong katawan sa hangin, nilalasap pa rin ang totoong panaginip na iyon.

"I don't know what you and this disorder did to me... Bakit ninyo ako pinagtutulungang dalawa?" nagsu-surrender kong bulong sa hangin. Nakatingin sa labas ng bintana, humihingi ng sagot sa mahinahon at malawak na karagatan doon. "Sa lalim at lawak mo, wala man lang akong makuhang sumbat o sagot para mapagaan ang nararamdaman ko... Hindi ko na alam kung papaano ako haharap ulit sa professor na iyon... Katulad ng naging panaginip ko kasama siya sa classroom na iyon, tototohanin ko na bang umamin sa kaniya tungkol sa sakit ko?"

Lugmok kong ibinagsak ang mga mata sa sapatos ko at ipinagpatuloy ang pagsisintas.

Dumiretso ako sa bar club after kong mag-ayos at magligpit ng mga gamit. Ako ulit ang unang sumalang kaya ako rin ang unang natapos. Natapos ang training namin na masaya at punung-puno ng mga pagpapayo mula sa mga trainors, lalung-lalo na mula kay Ma'am Paula. Magkikita-kita raw uli kami before pageant pero sa ibang venues na.

Sa malaking pavilion sa may entrance ng resort kami nagkita-kitang lahat habang naghihintay ng oras ng pag-alis.

Dahil kami ang huling lumakad papunta roon, agaw eksena tuloy kami. Nakikita ko na iyong lalaking iyon mula sa gabing lumipas nasa malayo pa lang ako, pero hindi ako nagpahalatang affected pa rin. Hindi ko ito pinansin o tinapunan man lang ng tingin. Kabaliktaran ng ginagawa ko ang binabalik niya sa akin, nakasunod siya ng tingin sa akin at hindi man lang nahiya sa mga kasama niya na hagud-hagurin ako. Nagtataasan na rin tuloy pati mga anit ko sa ulo sa pagkahindik dito.

I just ignored the compliments and teases thrown at us and the teachers in our department. I sat in the most crowded part of the seat we went to. Sa pagpunta ko rito ay nalayo ako sa mga maiingay at nagtatawanan na mga teachers dito. Umiwas na ako bago pa nila ako isunod na pansinin at pag-usapan.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon