Chapter 37
Sheids' POV
Hinawakan ko siya sa kamay pero pumalag kaya napabitaw ako sa kaniya. Naging malikot ang mga mata niya sa paligid namin. Nanigas siya sa kinatatayuan, kinakabahang humihinga.
I immediately understood her reaction. It was my first time approaching her here on campus. With such strong emotions involved in this initial encounter, it's no wonder she was surprised. Wala sa usapan namin ito pero nagawa kong baliin dahil sa sobrang pag-aalala, inis at selos na rin. Narinig kong iba ang kasama niya kagabi kaya sino naman ang 'di maiinis at magagalit?!
"Sheids... Sige na, mamaya na lang. Hindi rito..."
I reluctantly let her go due to her plea. Regan, who seemed to sense the tension between us, watched us silently. Hindi ko masabi kung alam na niya o hindi pa. O nasabi na sa kaniya ni Elle.
Bumuntong-hininga ako nang malalim habang nakatitig sa mga mata niya, walang emosyon. Habang siya, parang natatakot at kinakabahan.
Ilang beses ko na kasing sinabing layuan na niya ito pero ito at magkasama na naman sila!
Pero sige, hahayaan ko na lang muna. I maintained a poker face as I passed by them and continued to my first-period class.
Sa loob ng klase, wala rin, hindi rin ako nakalimot. Iniisip ko pa rin siya at ang mga narinig at nakita ko.
Bakit kaya kahit ano'ng gawin at sabihin ko sa kaniya, 'di pa rin niya ito malayu-layuan?
I have a great deal of trust in her. I am confident in her, but not when it comes to her disorder. Magkaibang Elles ang mga ito sa magkaibang sitwasyon.
Pero kahit masama ang loob ko, tinawagan ko pa rin siya para ipaalala ang pagkain nito ng lunch at pag-inom ng mga gamot sa tamang oras.
Birthday ng isang co-teacher namin at may pakain ito ng lunch sa office, pero dahil wala ako sa mood, mas pinili kong umuwi ng condo para doon na lang kumain. Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain.
I was already in the hallway of our floor when I noticed Elle standing and waiting outside my condo. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa hindi niya pagpasok sa loob kahit may sarili naman siyang susi.
Pinanood niya lang akong makalapit, taglay ang maamong mukha.
"Hmmm," imik ko nang nasa tabi ko siya at binubuksan ang pinto pero hindi pa rin siya nagsasalita. "May sarili kang susi sa pagkakatanda ko..."
Bahagyan niyang iniangat pa ang mukha habang nakanguso.
"Baka kasi... magalit ka sa 'kin kaya hinintay na lang kita rito."
"Bakit alam mong uuwi ako?"
Hindi ako umuuwi nang lunch time pero dahil sa inis ko sa kaniya, napauwi niya ako.
"I love you..."
That's what she always says whenever we have a disagreement or a small fight like this.
"Yeah," malamig kong ungol kahit sa totoo naman talaga, napagaan ng sinabi niya ang damdamin ko.
Tuwing nag-aaway kami, pareho kaming tahimik i-deal ang isa't isa. Hindi ko pa siya napagtataasan ng boses kahit kailan, iyong sobrang taas. Ako lang ang nag-iisang alam kong kaibigan niya, ang matatakbuhan niya, kaya ayaw kong pati sa akin ay lumayo ang loob niya. That's why as much as possible, I base my interactions with her on her age.
Naalala ko na naman. Kumalma-kalma na tuloy ako. Baka uhaw lang talaga siyang magkaroon pa ng ibang kaibigan.
Nang bumukas ang condo, pumasok na ako, pero nang maramdaman kong hindi siya sumunod ay binalikan ko siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)
RomanceStarted: Nov. 15, 2022 Ended: June 25, 2023 Lumaki si Astherielle Zuluetevo kasama ang ina nitong s*x addict at nagtatrabaho sa club bilang isang bayarang babae. Naging bunga iyon para ma-developed s*xual disorder nito na para lang sa mga babae, ang...