Chapter 36 (Low-key)

1.1K 40 1
                                    

Chapter 36

Astherielle's POV

"Oh, susi... Pakipasyal na lang ako, lalo tuwing inaatake ka," aniya pagkarating na pagkarating namin dito sa tapat ng gate namin. Narito kami sa loob ng sasakyan.

Napatitig ako rito nang matagal, hindi alam kung bakit iniaabot niya sa akin iyon.

We had a great stay at their rest house in Batangas. Something happened to us inside that cave and that was the last thing that happened between us. Siguro naawa sa akin o nagsawa na, kaya pinagpahinga na ako hanggang sa makauwi.

Nagpaubaya ako ulit kahit wala akong natanggap na tugon sa pag-confessed ko ritong mahal ko na siya. Napakaganda ng lugar. Being trapped in the cave with the living water overlooking the sea, I was held captive in his arms.

Oo, siguro nga mahal ko na siya...

Tumitig ako sa mga mata niya. Nang pakabang pumipintig-pintig ang puso ko, alam ko na... Lulong na ako rito. Tatlong oras na ang lumipas after kong makainom ng mga gamot ko pero hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko rito.

Pinainom niya ako kanina bago ang biyahe pauwi rito sa Metro. Inutusan niya si Manang Maring na bumili sa bayan.

"That's a duplicate of my condo key. You can have it. I'll just have a new one made."

Lumiit ang mga mata ko. Hindi ko pinansin ang ngayon ko lang napatunayan at nag-focus na lang ulit sa sinasabi nito at sa susi.

"Bakit mo binibigay sa akin iyan?"

"Huh?" Kwela siyang natawa nang mababa. "I'm welcoming you, Elle. I'm opening my condo for you. You can live there if you want too."

Mas lalo akong nalito at alam kong nasa mukha ko na rin iyon.

Wala akong natanggap na 'I love you' rito pero susi ng condo niya mayro'n. Ano ito? Ano tawag sa amin?

Hindi niya ako mahal, wala siyang sinabi, pero nararamdaman ko naman na parang mahal niya ako.

"Hindi. Hindi magandang idea 'yan."

"Porke't nakainom ka na ng mga gamot mo ayaw mo na sa akin?" tampo nito pero nakangiti pa rin naman.

"Hindi nga. Nakabalik na tayo. Sa University ulit madalas magkikita... Baka may makakita pa sa atin. Ayaw ko sanang... umabot doon itong mayroon tayo... Iwasan na natin ang isa't isa mula ngayon..."

"After you confessed that you love me, do you want us to avoid each other? Are you sure?" Mga mata naman nito ang nanliliit ngayon.

"But since you don't love me, it probably wouldn't be difficult for you to do that."

"Nagtatampo at nagagalit ka ba dahil wala akong sinabing mahal kita?"

Gusto kong mapalunok at mag-iwas ng tingin pero hindi ko ginawa dahil alam kong kapag ginawa ko, may sagot na rin siyang makukuha roon.

"Sir—"

"Call me by my names, Elle."

"Sir Fawzi," pinagpilitan ko pa ring sabihin nang malaman niyang iyong mga namagitan sa amin ay hanggang doon na lang, hindi aabot sa campus.

"I am Scheids Noah now and not your Professor at Polaris, Elle. Ano ba'ng problema mo sa susi lang na binibigay ko? Kailangan ko pa bang hintayin na mag-expired iyang epekto ng mga gamot mo bago kita makausap ulit nang matino?"

Mahinahon naman ang pagkakasabi niya pero sa pagkakaintindi ko ay galit ito.

Hindi ko rin gusto ito, ang mag-iwasan kami, pero ganito na lang ba? Wala na ba kaming gagawin para matigil ito— kahit pansamantala lang? Nasa outside world na kami!

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon