Chapter 34
Astherielle's POV
Two and a half hours ang itinakbo ng biyahe. Pinainom na niya ako ng gamot pero para 'yon sa sinat at hindi para sa pampakalma. I'm not feeling well today so my mood is also affected. I don't want to get tired of talking and arguing with him.
Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating at makapasok kami ng gate ng rest house nila.
"Uh!" nagulat kong sambit nang buhatin niya 'ko pagkababa ko ng sasakyan.
"I noticed your walk earlier. Hindi maganda. In-observed ko pero hindi talaga maganda," anito na ikinalunok at pikit ko. Iniunan ko ang gilid ulo sa dibdib niya dahil ayaw ko siyang hawakan gamit ang mga kamay ko.
Pati lakad ko napansin niya. Nahihiya ako sa sarili niyang kagagawan. Siya ang may gawa nito! If he hadn't punished my being active last night, I wouldn't feel like my legs were cut off today.
Bumaba na ang temperature ko pero matamlay pa rin ang pakiramdam.
"Bebu!"
"Yeah," hindi ko na rin napansin na iimik.
Ngumiti siya pagkatapos ay tumawa. "Mabuti naman at nasasanay ka nang matawag na 'Bebu'..."
"Nagulat lang ako. Hindi ko naintindihan ang sinabi mo. Tayo lang naman ang nandito kaya sino pa ba ang kausap mo."
Ngumisi siya at ngumuso.
Tanghaling tapat na. Nangangagat ang tirik ng araw pero lumalaban ang samyo ng hanging nanggagaling sa karagatan at mga puno at halaman sa paligid.
"Bale... Kaya kong maglakad. Hindi mo ako kailangang buhatin pa. Kaya ko pa. Kung anu-ano lang talaga ang napapansin mo."
Nakawawala siya at ng nangyari kagabi ng respeto. Hindi ko na ito ma-po at opo.
"Ang sakit mo nga sa mga mata. Ako ang nasasaktan sa lakad mo."
I smiled secretly this time. Why is it that I was the only one who suffered when we did it together? Parang walang nangyari sa kaniya pagkatapos ng lahat.
Anong klaseng nilalang itong mga tinubuan ng talong?
Pero napapahiya at nag-iinit ako tuwing naaalala ko kung papaano niya ako higitan kagabi.
"Gano'n talaga ako maglakad paminsan-minsan."
"Yeah... Maybe. But I just know that was not your normal walk."
Tumahimik na lang ako para hindi na humaba.
Ngayon na may lagnat ako, confident akong hindi niya ako gagalawin. Ako rin, wala akong gana, pero hindi ko rin alam ang response ng katawan ko kapag pinagpilitan pa rin nito ang sarili sa 'kin.
"Nag-general cleaning ulit si Manang Maring dito sa bahay nang sabihin kong magpapalipas ako ng weekend dito. Although hindi na kailangan, nagpumilit pa rin."
"Hmmm... Pang-ilan naman ako sa mga babaeng nadala mo na rito?"
He sighed. He lowered an eyebrow after it had been raised for a long time.
"Siguro... may iba ka sanang kasama ngayon kung hindi ka... napatid sa 'kin. Si Sadie siguro ang kasa—"
"Hindi naman ako nagmamalinis. Talaga namang marami akong babae. At sa—"
"Iyon naman pala. Dapat inihatid mo na ako sa bahay namin."
"Elle, akala ko ba tapos na tayong mag-usap?"
Ibinaba ko ang mukha at nilunok na lang ang laway ko.
"Nagseselos ka ba?"
Tumalim ang mga mata ko dahil alam kong iyon na nga ang nangyayari sa akin ngayon, nga lang, hindi ko lang maamin.
BINABASA MO ANG
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)
RomanceStarted: Nov. 15, 2022 Ended: June 25, 2023 Lumaki si Astherielle Zuluetevo kasama ang ina nitong s*x addict at nagtatrabaho sa club bilang isang bayarang babae. Naging bunga iyon para ma-developed s*xual disorder nito na para lang sa mga babae, ang...