"Buenos Dias Senyor!" Ani ng isang lalaki na nasa malapit na pintuan ng kainan.
"¡Buenos Dias!" Ani Ibarra
Translation: (Magandang umaga!)"¡Buenos días, señorita!"
Translation: (Magandang umaga, binbini!)"Gracias por favor." Ani Ibarra tsaka binigay ang dala niyang tungkod sa lalaking kausap.
Translation: (Salamat. Pakiusap.)"De nada."
Translation: (Walang anuman.)"Sinasabi ko na't dito ko lang kayo matatagpuan." Ani Ibarra na nakalahad pa ang kamay kaharap sa mataas na mesa na mayroong panauhin habang nanatili pa rin sa Klay sa kaniyang likod.
"Crisóstomo Ibarra, ¡amigo mío! como estuvo tu viaje." Ani Fidel na napalingon pa kay Crisostomo Ibarra habang may hawak na tobacco at isang maliit na baso at tsaka tumayo at nagtapikan sila sa isa't isa.
Translation: (Crisostomo Ibarra, aking kaibigan! Kamusta ang iyong biyahe?)"Ito sa awa naman ng Diyos buhay namang nakarating." Ani Ibarra at nagtawanan ang lahat.
"Bueno, inumin na natin iyang bil." Ani ng isang lalaking nasa mesa.
"Para kay Crisostomo Ibarra na pitong taong nagsunog ng kilay at nagliwaliw sa Europa. ¡Bienvenido de vuelta mi amigo! Bueno, Vamos, siéntate." Ani Fidel na napatawa pa pati na rin ang iba pang lalaking nasa mesa at itinaas niya ang basong may wine at ininom ito at inalalayan pa si Crisostomo Ibarra upang maupo.
Translation: (Maligayang pagbabalik, aking kaibigan! -Halika, maupo ka.)"Sandali nga pala't may kasama akong binibini. Siya raw ay dayuhan dito sa ciudad. Kasamaang palad ay hindi pa daw nananghalian ang pobrecita." Ani Ibarra.
Translation: (siyudad)"Ah, un chino mestizo." Ani ng isang lalaki na siyang nagsalita kanina.
Translation: (Ah, isang mestisang intsik.)"Isang magandang dilag! Amigo kaya pala ibig mong tulungan." Ani Fidel na tumayo pa at sinuri ang kabuuan ni Klay.
"Ah...ah...tama na muna ang tuksuhan iwasan nating kumalat baka umabot sa aking nobya. Bueno binibini, maupo ka na at mamili ka na ng ibig mong pananghalian. Camarero, tráigale el menú, por favor." Ani Ibarra at umupo habang natawa ang lahat at si Klay naman ay isinalin ang salitang salamat sa bibig na walang tunog patungo sa waiter.
Translation: (Waiter, dalhan siya ng menu, pakiusap.)"¡Gracias!" Ani isang lalaki ng iniligay ng waiter ang pagkain.
Translation: (Salamat!)"Ah..." Ani Klay na walang ano ano ay na upo sa katabi ni Crisostomo Ibarra na nakatingin din dito pari na rin si Fidel.
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...