Chapter 121 Aresto

8 1 0
                                    

"GUWARDIYA sibil, naibigay mo na ba sa aking abogado ang kalatas patungkol sa aming aresto?" Ani Fidel galing sa pagyuyuko niya sa bakal na kanilang piitan.

"Ang sarmiento na lamang ang kakausapin niyo bukas pagbalik niya." Ani guwardiya sibil.

"Si Crisostomo Ibarra nasaan siya? Hindi ba dito ang kaniyang piitan." Ani Fidel at napatalikod naman ang guwardiya sibil at napahawak na lang si Fidel sa kaniyang ilong gamit ang kaniyang hintuturo hinawakan niya ito pababa.

KUMAKAIN ng kamote sina Fidel, Don Filipo at ang maestro sa isang palayok ngunit hindi tuluyan kumain si Fidel.

"Skulpa, maari ba akong magpadala ng pagkain sa aking empleyado? Sumasakit na ang aking tiyan sa kamote." Ani Fidel.

"Nais kung ipahiwatig sayo na hindi ka na 'Don' dito sa lugar namin. Kaya kung ano ang kinakain nila 'yon din ang kakainin mo. Prisonero!" Ani guwardiya sibil.

"Mawalang galang lang ginoo, o ang itong hinahamak niyo ay nakapagtapos ng abogasiya batid kung nasa batas na kailangan isaalang-alang ang kalusugan at karapatan ng bawat prisonero." Ani Fidel at tumayo.

"Hehehe sige nga palayain mo ang iyong sarili ngayon. Hmmm." Ani ng isa pang guwardiya sibil.

"Hehe huwag kang mainip ginoo, sapagkat bukas na bukas ay darating ang aking magaling na abogado galing sa Maynila. Inmediatamente... makakalaya agad kami ng aking kaibigan." Ani Fidel na peke pang natawa.
Translation: (Agad-agad...)

"¿Inmediatamente? Hmmm masasanay ka ring matulog dito maging kawangis mo ang mga indio. Hahaha!"
Translation: (Agad-agad?)

"Hahaha!" Sabay tawa ng unang guwardiya sibil at umupo naman ulit si Fidel.

"Pakapal ng pakapal ang mga apog. Pahaba ng pahaba ang mga sungay. Pang... parang linta sa alkalde ang kanilang alperes. Sabi ko sa sarili ko hinding hindi ako magiging anino't kasangkapan ng ganoong pinuno." Ani Don Filipo.

"Kaya ka ba bumitaw bilang teniente mayor ng San Diego?" Ani Fidel.

"Kaya ko rin sinuportahan ang eskwela ni Crisostomo. At ngayon heto ako isa ng filibustero at prisonero. Hehehe."

"Kung sino pa ang gumawa ng maganda para sa bayan ay siya pang tinatawag na kriminal. Habang ang mga makasalanan sa simbahan at sa gobyerno kailangang tawaging kagalang-galang. Hehe! Aba'y animal!" Ani Fidel na pekeng napatawa.

"Totoo isang masalimuot na hakbangin ang turuan pa ng mga bagong kaalaman ang isang matanda ng aso. Entonces los jóvenes son la esperanza de este país. Senyor Delos Reyes, isinakripisyo mo ang iyong kalayaan para sa iyong mga kaibigan. Si senyor Crisostomo at Binibining Klay at para sa eskwela na may napakagandang hangarin sana para sa bayan." Ani Maestro.
Translation: (Kaya ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan na ito.)

"Ngunit Don Fidel hanggang saan mo kayang ipaglaban ang ating bayan na hindi lamang umaasa sa dasal, koneksyonis at sa iyong yaman?" Ani Don Filipo.

"Buenas noches señores muy guapos." Ani Elena na kasama nina Klay at Lucia at napatingin namin si Fidel sa pagdating nito na papalapit sa mga guwardiya sibil.
Translation: (Magandang gabi, mga napakakisig na ginoo.)

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon