"CLARITA! Mukhang nalipasan ka na ng hapunan. Huwag ka naman sana magkasakit pa." Ani Tiya Isabel at napasinghot lang si Maria Clara dahil sa kaniyang pag iyak.
"Pero wala na hong mas sasakit pa sa ginawa ni Crisostomo." Ani Maria Clara.
"Alam kung masakit ang ginawa sayo ng iyong nobyo. Pero sana huwag ka naman pabigla bigla sa pagbibitiw ng iyong mga salita. Kailangan maging bukas pa rin ang iyong isip o hindi ang iyong puso para sa mga susunod pa niyang pagpapaliwanag. Seryoso ka ba doon sa binitawan mong salita tungkol doon sa pagdadalawang isip mo sa inyong pag-iisang dibidib." Ani Tiya Isabel.
"May likha'y nakikita
Dahil sa iyong kagandahan." Harana ni Ibarra sa labas."May tao ba sa labas?" Ani Tiya Isabel at tumayo upang maglakad patungong bintana.
"Habang perpekto ang tangan
Panalitihin mo ang sugat
Ang alaala ng iyong pag-ibig ay tumatawid
Sa tuwing mundo ko'y madilim at tila wala ng saysayAlaala ikaw sana'y muling magbalik
Walang buhay itong daigdig
Kung pag-ibig ko ay mawalaAlaala sana'y 'di kailanman mamagit
Ang hiwaga at pananabik
Tulad ng pitpit sa bulaklakAlaala bawiin natin ang pighati
Bumalik sa puso ng musmos
Marunong magmahal ng lubosAlaala ang tahanan ng aking ngiti
Mapabuti ka ang siyang hiling
Hatid ko'y pag-ibig na tapat" Kanta ni Ibarra habang nanghaharana siya kay Maria Clara bitbit ang pongpong ng bulaklak kasama si Fidel na siyang naggigitira at may kabayo din sa unahan nila at unang dumungaw si Tiya Isabel sa bintana at sumunod rin si Maria Clara sa hindi kalayuan naroon si Klay na ngumiti pa at napaiyak dahil sa selos nakangiti si Fidel ng silayan niya si Klay sa hindi kalayuan pero napawi ito ng makita niya itong umiiyak at umalis rin kalaunan."Hindi ka nga naghapunan ngunit tila nanghimagas ka naman sa tamis ng kaniyang harana." Ani Tiya Isabel.
"Magandang gabi po Tiya Isabel at Maria Clara. Kung mararapatin niyo ay maari niyo ba kaming patuluyin?"
"Alam kung masakit ang ginawa sayo ng iyong nobyo ngunit gawin mo kung anong ibig ng iyong puso." Ani Tiya Isabel at napatunog pa ang kabayo.
"Maari na kayong umakyat." Ani Maria Clara at napangiti naman si Crisostomo Ibarra.
"Amego ah...hindi na ako sasama sayo. Es mejor que tengas el tiempo privado de tu novia." Ani Fidel.
Translation: (Mas mainam na mayroon kayong pribadong oras ng iyong nobya.)"Gracias amigo. Maari na kayong umuwi ni Ms. Klay." Ani Ibarra at tinapik si Fidel sa balikat at pumasok na sa bahay ni Maria Clara.
Translation: (Salamat, kaibigan.)-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...