Chapter 126 Itak

6 1 0
                                    

"EH! Eh! Sir Ibarra! Eh! Eh! Sir Ibarra! Eh! Sir Ibarra si Klay 'to! Sir!" Ani ni Klay ng pasigaw habang pinagpuputol ang damo gamit ang itak.

"Klay! Hey! Hey! Hinaan mo ang boses mo." Ani Fidel na kakadating lang pareho sila ni Klay na naka sumbrerong magsasaka.

"Baka nasa paligid lang si sir Ibarra. Sumisigaw ako para marinig niya tayo. Sir Ibarra!"

"Klay ano ba! Baka may ibang makarinig sa atin." Ani Fidel at niyakap niya si Klay patalikod upang pigilan ito.

"Ah! Ha! Ha! Gusto ko ng mawala. Gusto ko magwala!" Ani Klay at umalis sa yakap ni Fidel at hinubad ang sumbrero at napatukod sa kaniyang mga tuhod.

"Klay! Klay ano ba? Klay narinig mo ang sinabi ni Lucia hindi ba?" Ani Fidel at pinatayo si Klay.

"Naniniwala kang wala na siya." Ani Klay at iwinaksi ang pagkakahawak sa kaniya ni Fidel at umiyak.

"Ayaw kong maniwala ngunit ano ang maaari nating gawin ng hindi rin tayo mapapahamak. Nais ko rin matuntun ang aking kaibigan. Ngunit hindi pa ngayon."

"Oh eh kailan nauubusan na tayo ng oras Fidel."

"Klay saan ka pupunta?" Ani Fidel ng maglakad si Klay.

"Hahanapin ko si Ibarra."

"Sandali, hindi tayo maaaring pumunta roon sasamahan kita. Kailangan natin na mahahanap na armas. Sandali't kukuha muna ako. Diyan ka lang. Klay! Saan na ba 'yon. Klay! Klay! Klay! Nasaan naman 'yon." Ani Fidel at naglakad na paalis ngunit sa paglakad niya ay lumakad na rin paalis si Klay kaya bumalik rin siya kaagad sa pwesto nila at sumunod na lang kay Klay kahit hindi niya alam kung nasaan na ito.

"SIR Ibarra! Sir Ibarra! Sir Ibarra! Hindi! Hindi pwedeng magwakas ng ganito. Hindi pwedeng magwakas ng ganito." Ani Klay ng pasigaw at napaiyak siya't napaupo din.

FLASHBACK...

"Ikaw si Crisostomo Ibarra!" Ani Klay.

"Siyang tunay!" Ani Ibarra.

...

Binigay ni Crisostomo Ibarra ang hikaw ni Klay na binenta niya at napayakap naman si Klay kay Crisostomo Ibarra.

...

Sabay na kumain sina Crisostomo Ibarra at Klay. Binigay ni Crisostomo Ibarra ang plato ni Klay at nilagyan ng tubig ang baso nito.

...

"Hopyang di mabili!" Kanta nina Klay at Ibarra.

"Hehehe!" Tawa ni Klay habang sila'y kumakanta.

"May amag sa tabi!"

...

Tinakbo ni Klay si Crisostomo Ibarra na nabasa na ng ulan at na ulanan silang dalawa.

...

Nasa kampana sina Klay at Crisostomo Ibarra. At nasalo ni Crisostomo Ibarra si Klay dahil sa pag ka out balance nito at nagkatinginan sila.

...

"Hindi yata tama na ganiyan niyo pagsalitaan ang isang babae. Lalo na't pinapahayag niya lamang ang kaniyang mga saloobin." Ani Ibarra kay Don Basilio at nakinig lamang sina Klay at Fidel.

...

"At dahil ikaw naman ay kaibigan ko na wala akong ibang hangarin kundi ang kaligtasan at kapakanan mo." Ani Ibarra kay Klay at nakaupo sila sa may hagdanan sa labas.

...

"Bakit ngayon ay tila nagbago na iyong posisyon sa buhay." Ani Ibarra.

"Dahil ayaw kong mapahamak ka. Ayaw kong mamatay ka." Ani Klay.

END OF FLASHBACK...

"Sir Ibarra! Sir Ibarra buhay ka pa ba? Kung buhay ka magparamdam ka naman. Magparamdam ka please. Sir Ibarra! Ha! Ha! Sir Ibarra!" Ani Klay na umiiyak at napatayo at napatakip sa mukha at may naramdaman siyang gumalaw sa hindi kalayuan.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon