"ASÍ que levántate." Ani Padre Damaso at pinatayo si Maria Clara habang nakikinig naman sina Klay at Fidel ng nakatago.
Translation: (Kaya't tumayo ka.)"Husto na iha tigilan mo na ito." Ani Kapitan Tiago.
"Hindi niyo ho ba ako mahal Ninong?" Ani Maria Clara na umiiyak at lumingon kay Kapitan Tiago at napabalik rin ang tingin kay Padre Damaso.
"Y yo, ¿tú no me amas también? Hindi mo na rin ako mahal na gusto mong palampasin na lang ang muntik niyang pagpaslang sa akin ng ...¿el hijo de ese demonio?" Ani Padre Damaso.
Translation: (At ako, hindi mo din ba ako mahal? -...ang anak ng demonyong iyon?)"Ninong maawa naman kayo sa amin. Si Crisostomo ay nabigla lamang nagalit siya dahil sa kaniyang ama. Ano po ang kailangan kung gawin upang mapatawad niyo si Crisostomo." Ani Maria Clara na umiiyak.
"Wala kang magagawa para mapagpatumba mo ang nais ko. Perdóname, mi querida hija. Hindi na magbabago ang desisyon ko." Ani Padre Damaso at umalis at hindi niya napansin sa may hagdanan ang magkaharap na sina Klay at Fidel dahil napaharap na lamang si Klay ni Fidel at sumilip din kay Padre Damaso ng paalis ito.
Translation: (Patawarin mo ako, mahal kong inaanak.)"SINABI ko na sayo na wala ka ng magagawa. Hindi na magbabago pasya ng Ninong. Ikaw lang ang lalong masasaktan kung ipipilit mo ang gusto mo." Ani Kapitan Tiago at lalong napahagulhol sa iyak si Maria Clara.
"Klay! Klay!" Ani Fidel ng akmang magpapakita na si Klay kina Maria Clara at Kapitan Tiago galing sa kaniyang pinagtaguan pinigilan niya ito sa paghawak sa braso ngunit nagpakita na nga ito.
"Paumanhin po ngunit hindi ko na po talaga matiis. Sobra sobra na po ang ginawa ng prayle kay Senyorita at kay Sir Ibarra." Ani Klay.
"¡Callarse la boca! Lumayas kayo rito!" Ani Kapitan Tiago.
Translation: (Tumahimik ka!)"BINIBINI tayo na!" Ani Fidel.
"Hmmm." Ani Klay na tumanggi.
"Saglit lamang. Maaari ko ba kayong maka-usap na kayong dalawa lamang." Ani Maria na umiiyak.
"¡No puedo! Mga kaibigan iyan ni Crisostomo. Baka lasunin ang isip mo." Ani Kapitan Tiago.
Translation: (Hindi maaari!)"Papa nakikiusap ho ako sa inyo. Hayaan niyo naman lamang akong makausap kahit ng mga kaibigan niya."
"Te esperaré afuera." Ani Kapitan Tiago at umalis.
Translation: (Hihintayin kita sa labas.)"Gracias Papá."
Translation: (Salamat, Papa.)"Maria, anong gagawin ko? Awang awa na po ako sa inyo kay sir Ibarra. Gustong gusto ko kayong tulungan ngunit hindi ko alam kung papaano. Ano ba ang kailangan kung gawin?" Ani Klay na humawak sa dalawang kamay ni Maria Clara.
"Gracias Klay. Hindi mo ininda ang paghihiwalay natin dinalaw mo naman din ako. Hehe." Ani Maria na umiiyak.
"Senyorita oo naman. Friends tayo diba? Mga tapat na magkaibigan kung alam mo lang." Ani Klay na naiyak na rin.
"Kay Crisostomo ka na ba ulit nanunuluyan?"
"Opo ah... hindi niyo alam. Hindi niyo pa ba nabasa ang sulat?"
"Sulat? Ah... anong sulat?"
"Gu...gumawa ho si sir ng sulat sa inyo hindi niyo ba natanggap?"
"Wa... wala akong natanggap na kahit anong sulat."
"Ha! Nakakaloka! Parang soup opera! May kontrabidang ferson na nagharang malamang sa sulat na iyon kaya nawawala. Hmmm... Ha!" Ani Klay ng pabulong.
"Klay maari ba akong humingi ng pabor sayo?"
"Oo naman senyorita kahit ano."
"Nakikiusap ako sayo, sa inyong dalawa huwag na huwag niyong pababayaan si Crisostomo. Huwag na huwag niyong hahayaang may mangyaring masama sa kaniya." Ani Maria ng umiiyak at napatingin din kay Fidel.
"Oo naman senyorita."
"Mangako ka! Mangako kayo." Ani Maria at tumingin rin kay Fidel.
"Pangako! Hindi namin pababayaan si sir Ibarra."
"Si. Ah... si Binibining Klay na ang bahala kay Crisostomo ah... este kaming dalawa." Ani Fidel.
"Muchas gracias. Kahit hindi na kami nagkikita panatag ang loob ko na nasa paligid niya ay may mga nagmamahal at mga kumakalingang mga kaibigan sa kaniya. Muchas gracias. Mag-iingat kayo." Ani Maria na humawak pa sa dalawang kamay ni Klay at umalis napaiyak naman si Klay at isinapo ang kamay sa noo at hinaplos naman ni Fidel ang kaniyang likod at nagkatinginan sila.
Translation: (Maraming salamat.)"BUKAS ang kaniya na dating senyor at sasamahan ko ang kapitan heneral sa bahay ni Don Kapitan Tiago." Ani Alperes.
"Amigo hindi ba noong buhay pa ang ama mo at ah... sa tuwing tumutungo ang kapitan sa San Diego ay si Don Rafael ang punong abala sa pagtanggap ng asinhensya sa inyong tahanan senyor." Ani Fidel.
"Magkaibigan ang kanila na turingan kung kaya't nagalit ang excelincia ng kalabanin ng dating kura ang iyo na ama."
"Senyor Alperes ako po ay nagtungo rito upang humingi ng tulong sa inyo na makaharap ang kapitan heneral. Nais kung humingi ng saklolo sa kaniya. Ng sa gayon ay hindi na ako tuluyang isumpa ng mga fraile at ng simbahan." Ani Ibarra at nagngitian na lang na nagtinginan sina Klay at Fidel.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...