"FIDEL amigo, anong oras daw darating ang mga tauhan ng Hospital De San Diego?" Ani Ibarra na palakad patungo kay Fidel.
"Ano mang oras iyong amigo. Pagdating nila ay tsaka natin sunduin si Aling Sisa. Oobserbahan muna siya upang masuri kung kailangan siyang dalhin kaagad sa hospesiya sa Manila. At ah amigo kung isama mo na rin si Binibining Klay mukhang kailangan rin niyang magamot. Hehe ah!" Ani Fidel na tumayo at umupo uli na tatawa tawa.
"Amigo." Ani Ibarra na palakad lakad parang hindi mapakali.
"Ano't ika'y paikot-ikot? Ano bang bumabagabag sayo? Alam ko na nauna sa listahan ng iyong sakit sa ulo ay walang iba kundi si Binibining Klay." Ani Fidel na tumayo uli na patawa pa.
"Hmmm hehe. Si Aling Sisa." Ani Ibarra na napangiti ng peke sa mga sinasabi ni Fidel.
"Si Aling Sisa. Mi pobre amigo. Ngunit hindi bang ang misyon na ito ay para naman sa kaniya." Ani Fidel na inimwestra pa ang kamay.
Translation: (Ang kawawa kong kaibigan.)"Ha ngunit paano kung sa halip na makabuti ay makasama ito sa kaniya? Paano kung lumala ang kaniyang sakit doon sa pagamutan? Paano niya mahahanap ang kaniyang mga nawawalang anak?" Ani Ibarra hawak ang kaniyang sumbrero na binitbit niya lang.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...