"prostitutas? (Moher libre?)" Ani Klay at nagpipigil sa galit.
Translation: (Bayarang babae?)"Unang salta ko pa lang dito'y iyan na ang tawag sa akin ng lahat. Alam kung ibig sabihin niyon at para sabihin ko sayo hindi ako prostitute. Nagtratrabaho ako ng matino. At desente para suportahan ang sarili ko at pamilya ko. Halos hindi na nga ako natutulog eh. So paano mo naman nasabing tamad kami? Sadyang maliliit lamang ang mga sweldo naming mahihirap. Ang dami pang kaltas." Ani Klay.
"Natural mente. ¡Todo el mundo paga impuestos!" Ani Fidel.
Translation: (Nagbabayad ng buwis ang lahat!)"Sa tingin ko po, sa inyong mayayaman dapat magmula ang pagbabago sa mundo. Iyong dati kung amo siguro kung may puso siya, kung makatao siya. Sana umaasenso rin kaming nagtratrabaho sa kaniya eh! So you see sa inyong mayayaman nagsisimula ang pagbabago. Para ang mahirap hindi nanatiling mahirap."
"Tama ka binibinig Klay. Siguro nga ay dapat nasa kamay ng mga may kaya ang simula ng pagbabago ngunit hindi naman lahat ng may kaya ay may kapangyarihan. At siguro naaakmang sabihin na dapat nasa kamay ng mga nakakataas o ng makapangyarihan ang simula ng pagbabago ngunit sino namang makapangyarihan ang may bukas ang loob na magbigay ng karapatan na makakapantay sa isang Indio." Ani Ibarra.
"Iyon nga lang po. Selfish talaga ang mga may kapangyarihan. Kaya siguro kung may puso sila walang inaapi at walang mahirap."
"Bibilib na sana ako sayo eh! Ngunit may mali ka rin. Dahil kung lahat ng mga nagnenegosyo at makapangyarihang tao ay mapagbigay hindi magtatagal babagsak ang kanilang katayuan sa buhay. Kaya't siya pati ng mga trabahador niya ay mawawalan ng ikakabuhay." Ani Fidel.
"Tama ka naman sir. Wala naman akong sinabi na bumagsak ang negosyo ng dati kung amo dahil kung nagkataon damay ako diba? Ang sinasabi ko lang gusto kong maging fair siya sa akin sa pagpapasweldo niya sa akin."
"Ano bang alam mo? ¿Qué sabe una mujer como tú sobre las complicaciones?, en los procesos y métodos de negocio?"
Translation: (Ano bang alam ng isang babaeng kagaya mo sa mga komplikasyon, sa mga proseso at paraan ng pagnenegosyo?)"I hate to say this, Mr. Fidel Y...whatever your name is. But you're idiotic and yes you're misogynistic outverse is quite annoying."
"Anong sabi mo?" Ani Fidel at sasampalin niya sana si Klay ngunit pinigilan ni Crisostomo Ibarra ang kaniyang braso at naunahan na siya ng sampal kay Klay.
"Hmmm. Sige. Saktan mo ako. Hindi ako gaya ng nanay ko na okay lang saktan. Saktan mo ako makikita mong hinahanap mo. Hindi lang iyan ang aabutin mo." Ani Klay na galit na galit at si Crisostomo Ibarra ay nakahawak pa rin kay Fidel para makaharang siya dito patungo kay Klay at inis na iniwaksi ni Fidel ang kamay ni Crisostomo Ibarra.
"Maaari bang tama na ang pagtatalo ninyo. Total pareho namang kayong may punto." Ani Ibarra.
"Minamaliit niya ang pagkababae ko eh!"
"Paano ko naman hindi hahamakin ang gayang mong dudunguldungulan at ngayon mapanakit pa." Ani Fidel na galit na rin.
"Tama na Fidel. Husto na ang pagtatalo mahaba pa ang ating biyahe at baka naman magkapatayan pa kayo." Ani Ibarra.
"Ang lalaki mong tao pumapatol ka sa babae." Ani Klay at naglakad papuntang kalesa at sumakay dito.
"Kakaiba iyong babaeng iyan. Amigo sabihin mo nga sa akin saan mo ba napulot iyang pinsan pinsanan mo na iyon ha?" Ani Fidel.
"Ha! Ikaw naman. Hayaan mo na lang ang pobreng babae na iyon. At isa pa bihirang makahanap ng isang babae na ganiyan kausap. Na may katulad niyang talino. Palagay ko nga'y naaaliw na ako sa ating bagong kaibigan." Ani Ibarra.
"Amigo, at paano naman si Maria Clara?"
"Ano ba namang klaseng tanong iyan? Natural mente si Maria ay ang babaeng aking pakakasalan. Siya lang ang para sa akin dahil walang papantay na sino man sa kaniya. Naintindihan mo? Kaya't huwag mo na kaming pag-isipan ng masama ni Binibining Klay."
"Amigo masiyado kang seryoso nagbibiro lang naman ako. Ngunit tigilan mo ang bibig ng iyong utusan baka mapatulan ko na siya. Bueno, tayo na." Ani Fidel at tinapik si Crisostomo Ibarra sa balikat at napatango rin si Crisostomo Ibarra.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Ficción históricaBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...