"SA wakas tuloy na tuloy na ang kasal. Hehehe! Sobrang saya ko po para sa inyo ni Maria Clara sir pero saan po ba tayo pupunta?" Ani Klay ng naglalakad kasama si Crisostomo Ibarra sa may pamilihan at huminto na rin sa paglalakad.
"Sasadyain lamang natin si Fidel dahil nais ko sana siyang isama sa aking pamamanhikan." Ani Ibarra.
"Ah! Naku sir kayo na lang po. Hehe. Ayaw ko makita ang bastos na iyon! Nakawan ba naman ako ng halik! Kapal ng mukha! Ha!" Ani Klay na tumalikod pa kay Crisostomo Ibarra at iwinagayway pa ang palda at napa krus pa ang braso.
"Susmaryosep! Ginawa niyang kalapastangang iyon ay nararapat lamang na bigyan ka niya ng katarungan."
"Korek!" Ani Klay na napaharap na kay Crisostomo Ibarra.
"At sa lalong madaling panahon ay nararapat lamang na ikaw ay kaniyang pakasalan."
"Hmmm!" Ani Klay na natameme na nga.
"Kasal na hindi ko tatanggihan bagkus ay akin pang papaboran kaya't handa ko siyang panindigan sa kahit saan mang simbahan at ano mang araw na aking mapag-iisipan." Ani Fidel na kadadating lang.
"Eh! Hoy hoy! Hindi ako loka loka na magpapakasal sayo. Hindi mo ako makukuha ng ganoon ganoon lang Fidel. Tsaka isa pa ang bata ko pa. Ang dami ko pang pangarap sa buhay. Kaya... kasal? Sakalin kita diyan eh! Ha!" Ani Klay na tinuro pa si Fidel at umalis.
"Incluso si no lo quieres, todavía lo quieres."
Translation: (Kunwari pang ayaw, gusto rin naman.)"Amigo sinasabi ko sayo na hindi basta basta maaamo ang ating mabangis at kakaibang kaibigan." Ani Ibarra at napangiti lang si Fidel habang tinatanaw ang papaalis na si Klay.
"Amigo aking sinasabi sayo na siya ang pagsubok ng Diyos sa akin sa mundong ito. Ngunit ganoon pa man ay tanggap ko na siya ang aking tunay na iniibig at maniwala kang wagas ang aking hangarin... talibughang dalaga."
"Mapalad ka kung iibigin ka niya sapagkat si Binibining Klay ay tunay na kakaiba lalo't siya'y matalino at may paninindigan sa buhay na mahirap mapantayan ng iba. Kaya't labis kong ikagagalak kung kayong dalawa ang magkakatuluyan. Dahil kayong dalawa ay labis na mahalaga sa akin. Tayo na." Ani Ibarra at hinawakan ang balikat ni Fidel na nakahawak sa sumbrero kani kanina lang at umalis na din sila roon.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...