Chapter 133 Armas

2 1 0
                                    

NAMITAS ng bulaklak na rosas si Fidel sa kagubatan at madilim na ang gabi. Siya'y naka sumbrero at mataas na ang kaniyang buhok at mayroong siga ng apoy sa hindi niya kalayuan kung saan nandoon ang kaniyang karwahe at hinubad niya ang sumbrerong suot niya. Naglakad lakad siya dala ang bulaklak at tiningnan ito.

FLASHBACK...

Binigyan niya si Klay ng bungkos ng bulaklak habang nakatalikod ito.

...

Aksidente nahalikan ni Fidel si Klay sa pisngi.

...

Umiyak si Klay at nagpayakap kay Fidel.

...

"Baka sa ibang panahon, mundo, universe he... basta kapag wala ng sakit ang mga mundo natin. Baka nga... baka nga tayo ang end game. Babu Fidel!" Ani Klay na umiiyak at hinawakan ang mukha ni Fidel at tuluyan na nga siyang pumasok sa portal.

END OF FLASHBACK...

"Labing tatlong taon na ang lumilipas. Nasaan ka na binibini? Ako ba'y babalikan pa ba o tuluyang nalimot mo na?" Ani Fidel na nakatingin sa hawak niyang bulaklak.

"Comin' sino ka? Huwag kang gagawa ng maling kilos. Ipakita ang iyong cedulla. Kapkapan mo na." Ani ng isang guwardiya sibil na may kasama pang isa nakatutok sila ng armas kay Fidel na nilagay sa lupa ang sumbrero at bulaklak na hawak nito at itinaas ang dalawang kamay at kinapkapan na siya ng isang guwardiya sibil ngunit sinuntok niya bigla ang isang guwardiya sibil at nakipaglaban siya sa dalawang guwardiya sibil at sinipa niya ito at sinuntok din at natumba ang isang guwardiya sibil at sinuntok niya ang isa pa at umilag siya ngunit natumba siya at tinutukan ng baril ng isang guwardiya sibil.

"Huwag ang aking kaibigan. Ah! Hmmm! Ah! Ah! Ha! Ha! Nawala lang ako saglit kaibigan ngunit gumawa ka na naman ng gulo." Ani Elias na sinipa ang guwardiya sibil na nakatuktuk ang baril kay Fidel at sinuntok niya ito ngunit nahawakan siya nito patalikod at siniko niya ito at sinuntok at ito'y natumba at mahaba na rin ang buhok niya.

FLASHBACK...

"May katawan ng babae dito!" Ani ng guwardiya sibil na may dalang siga ng apoy at pinokpok ito ni Elias at natumba ito kaya tinabunan ito ni Elias ng damit niya at sinunog ito kasama ang bangkay ni Sisa sa dala nitong siga na apoy at ang damit ng guwardiya sibil ay ang isinuot niya at isinuot ang sumbrero pang guwardiya sibil bitbit ang itak at ang armas ng guwardiya sibil at umalis ng paika-ika.

END OF FLASHBACK...

"Ngunit mainam marami na naman tayong armas." Ani Elias.

"Ah! Ah!" Ani ng guwardiya sibil na tumayo at sinuntok si Elias ngunit nakailag si Elias at sinuntok ito natumba.

"Ah! Ah! Ha! Ha! Huwag! Huwag! Maawa ka! Huwag po! Huwag! Huwag! Ha! Ah!" Ani ng isa pang guwardiya sibil na tumayo at susuntokin na sana si Elias ngunit naunahan na siya ni Elias at natumba siya at tinutukan siya ng baril ni Elias pati ni Fidel at tumayo ito at naglakad at natumba ulit dahil sa nerbyos.

"Naawa ba kayo sa lahat ng anak ng Las Filipinas na iyong pinahirapan sinira ang buhay at pinaslang." Ani Fidel na nakatutok ang armas sa guwardiya sibil.

"Maawa ka maawa kayo!" Ani ng isang guwardiya sibil na napataas pa ng isang kamay gaya din ng isa pang guwardiya sibil.

"Kamatayan sa lahat ng mapang-api. tiro de misericordia." Ani Elias na nakatutok ang baril sa guwardiya sibil.
Translation: (Mercy shot.)

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon