NAGLALAKAD ngayon sina Crisostomo Ibarra at Fidel patungong barko sa may ilog dahil may gaganaping selebrasyon at marami ring tao ang kanilang kasama.
"Buen día. Ms. Klay! Andeng! Hali na kayo dito." Ani Ibarra sa taong napadaan sa harap niya at kasama rin nila sina Maria Clara, Tiya Isabel at ang mga kaibigan ni Klay at kinamayan niya si Klay na nag-aayos pa ng sayal nito at ng makalapit napaismid siya ng mapagtantong terno pa sila ni Fidel ng isinuot kulay asul na checkered ang damit ni Fidel maging sa kaniya ring tela na nakatabon sa kaniyang sayal.
Translation: (Magandang umaga.)"Hay! La bruja está aquí de nuevo." Ani Victoria habang nagpapaypay silang magkakaibigan.
Translation: (Andito na naman ang mangkukulam.)"Sí. Está aquí de nuevo." Ani ng isa pang kaibigan ni Maria Clara.
Translation: (Oo nga. Nandito siya ulit.)"Una mujer extraña." Ani ng isa ring kaibigan ni Maria Clara at nagtawanan silang tatlo.
Translation: (Isang kakaibang babae.)"Maraming lamok sa bandang riyan baka kayo'y papakin." Ani Fidel sa mga kaibigan ni Klay at napangiti naman si Klay sa pagtatanggol sa kaniya ni Fidel at napatingin si Maria Clara sa kaniyang kaibigan na nagtatawanan habang nakatakip ng mga pamaypay sa kani-kanilang mukha.
"Amigos, eso es todo, por favor. Ipinaliwanag ko na sa inyo ang asta ni Klay noong isang gabi. Bigyan niyo siya ng pagkakataon katulad ng ginagawa ko." Ani Maria Clara at napatahimik ang kaniyang mga kaibigan at napangiti rin si Klay sa hindi kalayuan.
Translation: (Mga kaibigan, tama na, pakiusap.)"Napakaganda ng panahon sumasang-ayon sa atin." Ani Fidel at pumunta si Maria Clara patungo sa kung saan nasaan si Crisostomo Ibarra na kasama nga ni Fidel at Klay.
"Paniguradong puno ng kasiyahan ang araw na ito. Lalo na't lahat sa pagtulong mo Maria." Ani Ibarra.
"Sí, Crisóstomo. Bueno, ituloy na natin ang kasiyahan. Kung tayo'y kumpleto maaari na tayong sumakay ng bangka. Aasahan tayo ng ating mga panauhin sa gubat. Vamos." Ani Maria Clara at napadaan pa si Elias na napakilig pa ang mga kaibigan ni Maria Clara habang nakatakip ang kanilang mga mukha sa kani-kanilang pamaypay at sinaway rin sila ni Tiya Isabel kaya naman ay napatigil sila ngunit wala man sa kanila ang nakakakilala pa kay Elias.
Translation: (Oo naman, Crisostomo. -Tara na.)"Hintay. Espere por favor." ani Sinang na kadadating lang kasama ang alalay na nagpapayong sa kaniya at tumago pa si Klay sa likod ni Fidel upang hindi siya makita.
Translation: (Hintay, pakiusap.)"Sinang." Ani Maria Clara.
"¡Hola!"
Translation: (Kumusta!)
"Kay-inam y tú estás aquí."
Translation: (Kay-inam at nandito ka.)"Ito na nga ba iyong kinakatakot ko eh. Ha! Klay kumalma ka. Iwas muna sa gulo. Behave. Ha!" Ani Klay ng pabulong sa likod ni Fidel at ito'y nakangiti pa.
"Kapitan Basilio! Kapitana! Salamat po sa inyo sa pagtanggap sa aming imbitasyon."
"Kapitan Basilio." Ani Ibarra at ang apat na kaibigan ni Klay ay nauna ng pumunta sa bangka.
"Noong plinaplano pa lang ng iyong ama ang pangarap niyang eskwela hindi na ako sang-ayon. Ngayon hindi pa rin ako sang-ayon sa eskwlela mo para sa mga Indio lalo na sa mga India ngunit narinig ko kay Sinang na nakakalap ka ng suporta sa kabila ng nangyari sa atin. Gusto ko ring tumaya tulad ng iba. Malay mong mapatunayan mong ako'y nagkamali." Ani Kapitan Basilio at nakahawak pa sa kaniyang braso si Kapitana Tika.
"Kung gayon ay tinatanggap ko ng malugod ang inyong hamon at pinapangako ko sa inyo na magiging matagumpay ang aking eskwela Kapitan Basilio."
"Bueno, sayang naman ang aking kayamanan kung hindi ko ibabahagi sa mga kapos palad. Hahaha." Ani Kapitan Basilio at napatingin pa si Fidel kay Klay ng nakangiti at isinenyas ni Klay ang kaniyang nguso kung bakit siya naroon na nagtatago.
"Eso se acabo. Ituloy na natin ang pagtitipon sigurado akong ikatutuwa ninyo ang mga susunod naming surpresa ni Don Crisostomo.
Todos lo somos." Ani Maria Clara at nagsimula na silang maglakad patungong bangka.
Translation: (Tapos na yun. -Tayo na lahat.)"Está bien. Vamos." Ani Kapitan Basilio.
Translation: (Sige. Tayo na.)-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historische RomaneBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...