"IBARRA ayusin mo ang iyong sarili. Tal vez alguien te vea. Tinitingala ang pamilya mo rito." Ani Fidel na napahawak pa sa balikat ni Crisostomo Ibarra.
Translation: (Baka may makakita sa'yo.)"Tinitingala? Kaya ba namatay na lamang ang aking ama ng walang kalaban laban. Fidel, mayaman ka man o mahirap sa bayang ito hindi ka paniniwalaan sa mga naghahariharian." Ani Ibarra at malakas na tinutok sa lupa ang kaniyang tungkod at tumayo.
"Amigo huwag kang magpasakop sa sakit at galit. Makakasira iyan sa magagandang pangarap mo para sa San Diego. Ang pangarap ng ama mo na siyang itutuloy mo."
"Ang pangarap ko ay makapag-aral ang mga bata Fidel. Ya sean españoles nacidos en España, españoles nacidos en Filipinas, filipinos de ascendencia extranjera, especialmente los que llaman indígenas. Nais kong makapag-aral ang dalawang batang sakristan Fidel. Hindi hayaang pagbintangan lamang silang magnanakaw o alalay sa kanilang ina."
Translation: (Mga espanyol man sila na tubong Espanya, mga espanyol na tubong Pilipinas, mga Pilipinong may lahing banyaga, lalo na yung mga tinatawag nilang katutubo.)"Mag hunos dili ka kaibigan. Sakali mang napahamak ang dalawang batang iyon hindi ba't marami pa na mang bata dito sa San Diego na iyong masasagip. Por favor amigo." Ani Fidel at tinapik si Crisostomo Ibarra sa balikat nito ng ito'y naupo at tuluyan nang lumakad at nag asikaso si Fidel sa kaniyang tindahan na nasa malapit lang at napatayo na rin si Crisostomo Ibarra at napahawak sa haligi ng tindahan ni Fidel.
Translation: (Pakiusap, kaibigan.)-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...