Chapter 21 Kindat

64 3 6
                                    

"HO! Ah!" Ani Klay na naglalakad patungong simbahan na napapunas pa sa kaniyang pawis.

"Senyorita nandoon po sa loob si senyor. Samahan ko na ho kayo." Ani Adong na inilahad pa ang kamay patungo sa loob ng simbahan.

"Ah! Sige susunod po ako maya maya papahangin lang po ako dito." Ani Klay hawak ang kaniyang belo na ginawa niya pang saliko dahil sa balikat niya ito iniikot sa kaniya.

"Sige po senyorita." Ani Adong at yumoko pa kay Klay bago umalis.

"Ho! Ho!" Ani Klay na tila naiinitan at kinuha ang kaniyang pamaypay na nakasabit sa kaniyang damit at binuklat ito't namaypay siya habang si Mang Adong ay nakapasok na sa loob ng simbahan at nandoon si Crisostomo Ibarra at Maria Clara at kasabi naman nito ay si Victoria na mabilis na nagpapaypay nang makita ang lalaking kaniyang pinupusuan sa kabilang upuan at nginitian siya nito at napatango rin.

"Buenas Dias!" Ani Fidel kay Klay na napayuko lang at namaypay ng mabilis dahil naiinitan at tumitig rin siya kay Fidel.

"Victoria hindi ba't kapag ang isang namamaypay ng ganiyang kabilis habang patingin tingin sa isang ginoo ay nangagahulugang may gusto ka sa kaniya." Ani Maria Clara kay Victoria dahil namaypay ito ng mabilis kanina habang patingin tingin sa lalaking pinupusuan at tumingin uli siya sa lalaking iyon at napapaypay sila at humagahikhik sa usapan na iyon kasama ang tatlo pa nilang kaibigan at ganoon nga ang ginawa ni Klay kay Fidel ngunit hindi niya alam ang ibig sabihin ng pagpaypay niya kasi para sa kaniya ay naiinitan lang siya, si Fidel lamang ang nakakaalam sa kanilang dalawa at napatingin nga ito kay Klay na tila natutuwa pa sa pagpapaypay nito ng mabilis.

"Hmmm. Hmmm." Ani Tiya Isabel para patahimikin sila Maria Clara at ang kaniyang mga kaibigan.

"Hmmm. Problema noon! Ho! Ha!" Ani Klay na sinisimangutan lang niya si Fidel habang nakatitig dito at nagpaypay ng mabilis ng kindatan siya ni Fidel at napahagikhik pa ito na tila kinikilig at hindi alam ni Klay kung bakit natatawa ito kasi wala namang nakakatawa at lumisan na ito patungo sa simbahan at pumasok na rin si Klay kalaunan napahawak pa sa leeg niya kasi pinapawisan siya at isunuot na ang belong daladala niya papasok sa simbahan.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon