Chapter 43 Inggit

41 4 7
                                    

"TOTOO ba ang aking narinig? Nais mong laktawan ang gobernadorcillo at dumiretso sa alkalde?" Ani ng isang lalaki na tumayo pa ito ay ang nakaupo malapit lang kina Crisostomo Ibarra, Fidel at ng guro.

"Ang tuta ng tonta." Ani Fidel at ibinulong lang ito kay Crisostomo Ibarra.

"Kaninong marites mo naman narinig iyan?" Ani Ibarra.

"Sinong Marites? Sayong bibig ko mismo nauligan, akala mo kung sino kang magmataas didiretso sa kabisera porke hindi ka napakinggan dito." Ani ng lalaki.

"Malinis at maganda ang aking hangarin senyor. Pinapatupad ko lamang ang pangarap ng aking ama. Kaya't sana'y huwag na natin itong dumihan at haluan pa ng malisya."

"Ganyan din ba ang iyong intensiyon? O konsentihin ang batang magnanakaw at ang kanilang inang baliw?"

"Ha! Senyor, magkaiba ang pangungusenti at pag-abot ng tulong sa mga nangangailangan. Lalo na't sa mga inaapi at walang laban."

"Kung ako sa inyo senyor Crisostomo Ibarra. Pag-ingatan mo ang iyong sarili at ang iyong mahal sa buhay. Isang maling kilos mo pa hindi ka lang huhusgahan paniguradong hindi ka na maririnig at wala ng magpapatuloy pa ng natitira mong pangarap. Lo siento." Ani ng lalaki at umalis at naiinis na rin si Fidel dito.
Translation: (Paumanhin.)

"Amigo, pinag-iinitan ka lang noon dahil ay inggit sa magagandang plano mo para sa San Diego. Palibhasa sabong lang nais ipatupad." Ani Fidel.

"Mawalang galang na ho senyor pero hindi ba't iyon rin ang simula ng paninirang puri ng iyong ama. Ang dahil sa inggit." Ani ng guro.

"La historia simplemente se repite. Kaya amigo, huwag na nating hayaang mangyari iyon. Mas mainam na manahimik at magpalamig na muna at huwag na gumawa ng kahit ano na maaaring kumanti sa alperes at kura." Ani Fidel at sabay nilang kinuha ni Crisostomo Ibarra ang kanilang mga libro at umalis.
Translation: (Nauulit lamang ang kasaysayan.)

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon