Chapter 82 Awit

10 2 2
                                    

"CRISOSTOMO, tignan mo ang mga ibon." Ani Maria Clara at itinuro pa ang mga ibon na naglilipad lipad at napatingin dito sina Crisostomo Ibarra at Elias.

"Napakaganda. Sa bundok kaya sila namumugad?" Ani Ibarra.

"Marahil po ay namumugad ang mga ibon sa bundok na iyan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pang nakakakita sa pugad nito." Ani Elias at naglilipadan ang mga ibon sa kabundukan.

"Walang pugad ang mga ibong iyan?" Ani Maria Clara.

"Sa palagay ko dapat mayroon. Kawawa naman ho ang mga ibon kung wala silang inuuwian."

"Pati pala ang mga ibon ay nawawalan din ng tirahan."

"Sapagkat patuloy ang paninira ng mga dayuhang Kastila sa ating kalikasan."

"At nasaksihan mo rin ito?"

"Oo senyorita. Sa bundok ako naninirahan. Hindi lamang nagpunta ang mga Kastila sa ating bansa upang ipalaganap ang Kristiyanismo ngunit para nakawin ang likas na yaman natin."

"Saan uuwi ang mga ibon kung wala na silang tirahan?"

"Maghahanap sila ng ibang pagpupugaran sa ibang lugar."

"Kawawa naman pala sila."

"Ngunit ang kagandahan sa mga ibon na iyan kahit saan man sila tumungo makakahanap sila ng ibang tirahan. Makakapamuhay sila kasama ng ibang nilalang at tanggap sila rito dahil hindi nila kailangan mag-agawan sa pagkain sapat ang likas na yaman para sa lahat. Kung ganoon lang din ang mga tao tiyak ay makakamit natin ang tunay na kapayapaan. Pantay pantay ang lahat walang mataas, walang mababa."

"Tila hindi ka lamang isang hamak na piloto Ginoo. Kundi, isa ka ring makata ng may malasakit sa kapwa." Ani Ibarra.

"Salamat Ginoo."

"Señoras y señores, amigos, ¡qué hermosa primera dama! Habang hinihintay natin ang ah hanguin ng mga nahuhuling isda. Maaari ka ba naming marinig kumanta Maria Clara." Ani Kapitan Basilio at napalingon pa kay Maria Clara.
Translation: (Mga ginang at ginoo, mga kaibigan, isang napakagandang unaga!)

"Magandang ideya Papa. ¡Vamos, Clarita! Cántanos una canción, por favor." Ani Sinang na lumapit pa kay Maria Clara at kinuha ang kamay nito habang nakasunod rin sa kaniya ang iba pang kaibigan ni Maria Clara.
Translation: (Tara na, Clarita! Kantahan mo kami ng isang awitin, pakiusap.)

"Iha pagbigyan mo na si Kapitan." Ani Tiya Isabel na katabi rin si Kapitana Tika sa kaniyang inuupuan.

"Vamos. Halika na."
Translation: (Tara na.)

"Ngunit pagiging punong abala lamang ho ang aking napaghandaan senyor." Ani Maria Clara ng makalapit na sila kay Kapitan Basilio.

"Sige na amiga, pagbigyan mo na kami. Pakiusap Maria. por favor."
Translation: (Pakiusap.)

"Salamat naman." Ani Tiya Isabel.

"Bueno, Por favor, señora." Ani Kapitan Basilio.
Translation: (Pakiusap, iha.)

"Kung iyon ang makakatulong para inyong bigyang suporta ang eskwelahan ni Crisostomo." Ani Maria Clara.

"Clarita, eso ya no es importante. Adelante." Ani Victoria.
Translation: (Clarita, hindi na yun mahalaga. Sige na.)

"Adelante, por favor, Clarita. Hehe." Ani Neneng.
Translation: (Sige na, pakiusap, Clarita.)

"Ngunit malungkot ang awiting aking naiisip. Es triste." Ani Maria Clara.
Translation: (Nakakalungkot.)

"Por favor, Clarita." Ani Kapitan Basilio.
Translation: (Pakiusap, Clarita.)

"Bueno. Hehe."

"Sabayan natin ng gitara." Ani Sinang at naghanda naman ang mga musikero at lumapit naman sina Klay at Fidel doon pati na rin si Crisostomo Ibarra upang masaksihan ang pag awit ni Maria Clara.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon