Chapter 40 Yakap

47 4 4
                                    

ITINULAK ng guwardiya sibil si Sisa sa kulungan nito at ito'y napaupo at sinarahan na ng guwardiya sibil ang kulungan ni Sisa kasama ang iba pang babae na nakakulong dito. Pumunta si Klay sa kulungan upang makita si Sisa. Ang mga guwardiya sibil ay may kandong kandong na mga babae isa isa at iyong isang guwardiya sibil ay sinusubuan pa ng pagkain naglalaro pa nga sila ng baraha nay may kasamang pera pang taya. Nakita ni Klay si Sisa na nakatulala.

"Ate Sisa! Ate Sisa maaari ka bang tumingin sa mga mata ko. Diyos ko! Ka muhit niyo ba siya?" Ani Klay na napaupo pa at napahawak sa kulungan ni Sisa.

"Mga anak ko nagkikitakita rin tayo sa ating tahanan. Magkasamasama na tayo sa ating tahanan di ba mga anak? Basilio! Crispin!" Ani Sisa at napaiyak na si Klay.

"Hindi ko po maipapangako na maging okay ang lahat. Pero Ate Sisa kumapit ka. Lumaban ka! Makakauwi ka rin. Mabuti na rin siguro na hindi ko alam kung anong mangyayari sayo sa ending ng nobelang ito. Pwede tayong gumawa ng sarili nating ending. Malay natin ah...sumunod ang makulit mong anak. Naghihintay na pala sa inyo si Basilio sa inyong damba. Wala na mang bayad mangarap at umasa diba? Kung iyon lang ang makakapagbalik sa sarili nating katinuan. Parang nalimutan natin iyong sakit kahit saglit lang." Ani Klay napahikbi pa sa iyak na pinilit pang makangiti.

"Ms. Klay?" Ani Ibarra na kakadating lang sa kulungan dala ang kaniyang sumbrero at tungkod kasunod naman niya si Fidel na nasa hindi kalayuan pa.

"Sir!"

"Paumanhin kung ngayon lang tayo muling nagkita. Nabalitaan ko ang dinanas ni Aling Sisa. Ikaw kumusta ang lagay mo?" Ani Ibarra at tumayo si Klay at napayakap kay Crisostomo Ibarra ng napahikbi sa iyak at napayakap na lang si Crisostomo Ibarra kay Klay habang nakatanaw lang si Fidel sa pagyayakapan nila at si Sisa na nakatulala lang sa loob ng kaniyang kulungan.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon