"SABI nila'y nagliliyab na raw ang aking katawan. Pagkat sumanib na raw sa akin ang demonyo. Natatakot ako. Ta...takot ako paano ko pa mahahagkan ang aking mga anak kung ganoon." Ani Sisa.
"Ha! Ate Sisa! Huwag po kayong maniniwala hindi po totoo na may masama sa katawan ninyo. Dahil ang totoo napakabuti niyong ina at hindi po tama ang nangyayari sa inyo ngayon. Nag iisa kayo. Nangungulila." Ani Klay na hinawakan ang braso na Sisa at hinaplos rin ang mukha nito.
"Ngunit pati ikaw iiwan mo rin ako katulad ng mga anak ko."
"Katulad niyo kailangan din ako ng mama ko. Kailangan ko din siya. Lubos akong nangungulila sa nanay ko. Kaya gusto ko sana makaakyat sa tore para makauwi na ako sa amin. Ate Sisa! Ate Sisa bakit? Ate Sisa!" Ani Klay na umiiyak at hinawakan siya ni Sisa ng dalawang kamay at kinaladkad at binitiwan rin.
"Mula sa sinapupunan magkadigkit na ang ina at kaniyang anak. Umuwi ka na sa kanila. Umuwi ka na." Ani Sisa na umiiyak.
"Paano po kayo?"
"Hindi masusunog ang katawan mo tulad ko. Hayaan mo na lamang ako dito. Pagkat hihintayin ko ang aking mga anak." Ani Sisa at niyakap siya ni Klay na umiiyak rin at hinawakan pa niya ang mukha ni Sisa.
"Maraming maraming salamat Ate Sisa. Hinding hindi kita makakalimutan." Ani Klay na nakawak ang kaniyang dalawang kamay.
"Ms. Klay! Ms. Klay! Aling Sisa!" Ani Ibarra habang naglalakad gamit ang kaniyang tungkod.
"Sir Ibarra?" Ani Klay na aalis na sana.
"Anong ginagawa niyong dalawa dito? Halika na at umuwi na tayo."
"Sir kaya nga po ako nandito dahil uuwi na ako." Ani Klay na pinunasan niya ang kaniyang mga luha.
"Dito sa simbahan? Ganitong dis oras ng gabi. Kung kailan maaari ka ng dakpin ng guwardiya sibil." Ani Ibarra at naglalakad lakad lang si Sisa sa paligid.
"Sir pwede ba, huwag niyo na ho akong pahirapan pa."
"Ika'y aking pinapahirapan? Samatalang hindi ko nga mapagtagni sa aking isipan kung bakit pinagdadamot mo ang isang maayos na pamamaalam."
"Sir naman eh. Please lang pabayaan niyo na po ako. Umuwi na po kayo isama niyo sa Ate Sisa. Ako na pong bahala sa sarili ko. Uuwi na ako sa amin. Sige po." Ani Klay at akmang aalis na.
"Sandali paanong diyan ang daan pauwi sa inyo?"
"Tss naman sir. Ang hirap eexplain sa totoo lang. Pwede bang pabayaan niyo na lang ako." Ani Klay at napahawak sa kaniyang buhok tila na iirita na.
"Kung nais mo talagang umuwi ay bukas pagsikat ng araw ihahatid kita. Ngunit hindi ngayon, hindi ganito at hindi dito." Ani Ibarra na napahawak pa sa kaniyang sumbrero.
"Naririnig ko ng mga yapak. Sasaktan nila ako. Sasaktan nila ako." Ani Sisa na sumigaw pa.
"Shhhh Aling Sisa! Aling Sisa huminahon kayo. Aling Sisa huminahon kayo. Aling Sisa." Ani Ibarra at napatingin sa Klay sa may kampana ng simbahan at tumakbo papunta doon.
"Huwag huwag huwag huwag huwag." Ani Sisa na napaupo na sa sahig.
"Ms. Klay!" Ani Ibarra ngunit wala na si Klay pag lingon niya kung saan ito naka pwesto kanina.
"Huwag huwag." Ani Sisa na umiiyak.
"Shhhh Aling Sisa." Ani Ibarra at hinawakan si Sisa.
"Huwag. Huwag huwag maawa kayo. Maawa kayo."
"Aling Sisa manahimik kayo maririnig tayo ng mga guwardiya." Ani Ibarra at naglakad na pataas ng hagdan si Klay.
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Ficción históricaBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...