NAGLALAKAD si Crisostomo Ibarra sa kaniyang bahay na may nakasinding mga kandila.
FLASHBACK...
"Walang namamagitan sa amin ni Klay." Ani Ibarra.
"Wala naman akong dapat pagdudahan sa bagay na iyon dahil pinsan mo lamang siya. Hindi ba? Kung gayon ay mas lalo mo akong pinakaba Crisostomo pinasok mo ang iyong sarili sa problema ng sakristan, ng kura ha at ngayon ay mayroon kang mabangis na pinsan." Ani Maria Clara.
END OF FLASHBACK...
"Fidel, bakit kasama mo si Ms. Klay?" Ani Ibarra.
"Natagpuan ko siyang pinagtatanggol ang sugatang at iika ikang Sisa. Ginamot ito ni Binibining Klay pagkatapos ay naging bayolente at tinakasan kami." Ani Fidel.
"Ha! Tila tinakasan na rin ng pag iisip si Aling Sisa. Pobreng ina! Mabuti na lamang at ligtas kayong dalawa. Tingnan mo Ms. Klay pinag-uusapan natin ito kagabi ngunit matigas ang iyong ulo. Kailangan ko pang bantayan ang bawat kilos mo. Maging ang pagtulong ay mapanganib. Tingnan mo't muntik ka ng mapahamak."
"Anong gusto mo pabayaan ko na lang." Ani Klay na naglakad pa ng kaunti patungo kay Crisostomo Ibarra.
"Wala akong sinasabing pabayaan mo na lang. Ang sinasabi ko lamang ay mag-iingat ka."
"Ha! Dahil? Konektado ako sayo. Dahil ayaw mong masira ang napakagandang pangalan mo dahil ang totoo naman sarili mo lang iniisip mo."
"Iniisip kita. Nag aalala ako sayo dahil hindi ka na rin iba sa akin Ms. Klay. Ayaw kong matulad ka doon sa mga pobreng bata na iyon at maging sa pag-iisip ni Aling Sisa. Na baka pati ikaw ay mawawala rin. Pero kung nais mo naman ako bigyan ng sakit ng ulo, gusto mong pabayaan ang iyong sarili at mawala at umalis kung kailan mo gusto ay siguro hindi ka na dapar pumunta pa sa poder ko."
"Iyon. Sana sinabi mo agad na iyon naman talaga. Ayaw mo ako dito hindi ba? Huwag kang mag alala sir. Mag intay ka lang hindi mo na ako kailangan alalahanin pa." Ani Klay na napaiyak na at pinahid ang kaniyang luha sa kaniyang palad.
"Ano ang iyong sinasabi?" Ani Ibarra at nag bow lang si Klay at umalis.-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historische RomaneBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...