Chapter 57 Pag-ibig

29 2 8
                                    

"HO! Ha! Napakalaki ng pagkakamali ko na ang lihim pa ako sa kaniya." Ani Ibarra na palakad lakad.

"Sorry po ako naman po ang nagpumilit na magpakupkup sa inyo eh. Ako po talaga ang may kasalanan dito. Sorry po." Ani Klay.

"Siyang tunay binibini. Kaya kung malagaya sa alanganin ang pag-iibigan ni Crisostomo at Maria Clara ay mas mainam na sigurong layuan mo na sila." Ani Fidel na iminwestra pa ang kamay.

"Inaano ka? Harsh harsh mo. Pero sorry po mas lalong hindi ako aalis ngayon. Isa pa wala na rin naman akong choice."

"Bakit gusto mong manatili ngayong may hidwaan ang magkasintahan?"

"Dahil walang dapat mamagitan sa true love mo kay Maria Clara sir Ibarra. Kahit sino pa iyan. Kung ako po ang naging dahilan kung bakit kayo nag away. Baka sakaling may maitulong ako para magkaayos kayo. Unless don't tell me give up ka na. Ha! I understand. Okay lang iyan. Marami pa na mang iba diyan." Ani Klay at nagpabebe pa ng pagsalita sa huling sinabi niya at ang hibla ng kaniyang buhok ay ikinawit niya sa kaniyang tainga.

"Siyempre ay hindi." Ani Ibarra.

"Oh iyon naman pala eh. Oh edi malinaw. Oh wala ng iba. Narinig mo iyon. Ha! Kahit masakit. Ha!" Ani Klay at itinuro niya pa si Fidel at binulong ang huling kaniyang sinabi.

"Bueno amigo, kung nais mong magkaayos kayo ni Maria Clara kailangan mo siyang suyuin iyon ang gagawin mo. O kailangan mong magpaliwanag ng paulit-ulit ibigay mo sa kaniya ang buwan at ang mga bituin." Ani Fidel.

"Aba! May ganiyang side ka pala sir Fidel." Ani Klay na tila namangha pa.

"Nilalagay ko lamang ang aking sarili sa posisiyon ni Maria Clara kung ano ang kailangan niya mula sa aking matalik na kaibigan." Ani Fidel at napapogi sign pa.

"May punto naman po si sir Fidel. Dahil kung mahal mo ipaglalaban mo." Ani Klay na napatango kay Fidel.

"Oo tama! At gagawin ko ang lahat para kay Maria Clara." Ani Crisostomo na napaturo pa kay Klay.

"Edi winner! O ano pa hinihintay natin? It's time for operation 'Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig'." Ani Klay na napalakpak pa at animo'y kinikilig na pangiti rin si Fidel sa kaniya.

"Eh! Ha! Anong gagawin natin Fidel? Tulungan mo akong manumbalik ang pag amo sa akin ng aking nobya."

"May naisip na ako amigo." Ani Fidel at napangiti na lang si Klay ng pilit.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon