Chapter 140 Posible

18 2 0
                                    

NAGLILIPARAN ang mga ibon sa kabukiran.

"Ngunit namatay na siya hindi ba? Paanong iisa si Crisostomo at si Simuon?" Ani Fidel.

"Maniwala kayo sa akin. Nag-iba man ang kulay ng kaniyang buhok, pananamit, nagdagdag man siya ng accesesories, siya pa rin 'yon. Buhay si Ibarra. At kailangan natin siyang makausap sa lalong madaling panahon. Nakasulat lahat dito. At 'yon nga ang kinakatakot ko dahil may mga nabasa na si Padre Salvi dito." Ani Klay at inilahad pa ang libro ng 'El Filibusterismo'.

"'Yan ba 'yang tinutukoy mong nobela noon kung saan kami ay karakter lamang ng kwento?"

"Actually karugtong 'to no'ng librong kinikwento ko sayo noon. Parang Book 2. Ha! Eh pasensiya na kayo alam ko a...ang hirap paniwalaan ng mga sinasabi ko pero wala na kasi akong time i...ipaliwanag pa sa inyo. Pwede bang mamaya na tayo magbasa! Mamaya na tayo magtalakay! Utang na loob hanapin na natin si Simoun. He!"

"Klay mula no'ng makita kitang tumagos sa mahiwagang lagusan at ngayon tila walang nagbago sa iyong wangis binibining Klay ay wala ng impossible sa akin. Naniniwala ako sa librong 'yan at sayo." Ani Fidel at tumango naman si Klay habang nakangiti at niyakap ang libro.

"Batid ko kung nasaan si Simoun ngunit mapanganib sa kinaroroonan niya. Mapanganib para sa ating lahat." Ani Elias.

"Mas nakakatakot na alam ni Padre Salvi'ng buhay siya. Pwede siyang isuplong o ipapatay. Gusto niyo bang mangyari 'yon sa kaibigan niyo? Sa kaibigan natin?" Ani Klay.

"Hernando!"

"Pinuno!" Ani Hernando at napatayo habang sinusuot ang sumbrero.

"Pumunta ka na sa kuta maaaring kakailanganin natin ng dagdag lakas. Mauuna kami sa bahay-bakasyonan ni kapitan heneral. Bilis! Tayo na!" Ani Elias at unang umalis si Hernando at umalis na rin sila lahat pag tayo ni Elias.

NAGTATAGO si Isagani sa kahoy sa 'di kalayuan sa bahay ni kapitan heneral at lumapit kay Basilio na nasa 'di kalayuan rin niya.

"Isagani!" Ani Basilio.

"Basilio!" Ani Isagani.

"Paano tayo makakapasok? Bantay sarado ang mga lintik na guwardiya sibil."

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon