"MATAGAL ng naisulat ang kwento. Ang kapalaran nila. Kaya kahit na anong bersiyon kahit na anong salin ang gawin mo o liko o kalikot na gawin mo sa kwento. Iisa pa rin ang nakatakdang wakas nila." Ani Mr. Torres dala ang kaniyang tungkod habang naglalakad sila ni Klay.
"Oh sir di ba in three nights pa bakit naririnig ko na iyong kampana. Di ba usapan natin blood moon." Ani Klay ng makarinig ng kampana.
"Kalma! Signal lang iyan ng pagtatapos ng misa. Maaring sa oras na ito ay may mesa pa para sa patay." Ani Mr. Torres at napahawak pa si Klay sa kaniyang dibdib dahil sa nerbyos na iyon na iyong time na uuwi siya.
"Sir patapos na po ba iyong kwento kaya ganito na kalala ang mga nangyayari."
"Ha! Wala ka pa nga sa kalahati. Chapter 18 to 19 ka pa lang."
"Ho! Wala pa sa kalahati? 18 19 oo nga no. Sa pagkakaalala ko parang 64 chapters iyong nakita ko sa table of contents ng nobela. So ibig sabihin may ilalala pa po ito sir?" Ani Klay at tumunog ulit ang kampana ng simbahan at may lumabas sa simbahan na kabaong na gawa lang sa kahoy na buhat buhat ng mga lalake nandoon din si Mang Adong at ang nasa sunod nito ay si isang babae na katulong.
"Sa kabanata kung saan ka ngayon. Unti unting nagpapakita ang mga sintomas ng malubhang sakit ng bayang ito. Isang kanser na masalin mo lang manggigising ng kirot at galit na maaaring magpamulat o maglason sayong isipan." Ani Mr. Torres at nasaksihan nila ni Klay ang paglalakad ni Sisa at mayroong maraming guwardiya sibil ang nasa likod nito kaya huminto sila sa paglalakad at nakatanaw din si Mang Adong kay Sisa.
"Bakit kaya siya hinuhuli ng mga guwardiya sibil?" Ani ng isang babae na nakasaksi sa paglalakad ni Sisa kasunod nito ay ang mga guwardiya sibil.
"Ina iyan ng batang magnanakaw." Ani ng isa pang babae at itinabon ni Sisa ang isang tela sa kaniyang mukha dahil sa kahihiyan na pinagsasabi sa kaniya ng mga tao.
"Mga kasama." Ani ng isang lalaki.
"Wala kasi matinong mag-aaruga sa mga bata."
"Mag isa lang kasi siya."
"Walang kwentang ina." Ani ng isa na namang babae at naawa si Klay sa nangyayari kay Sisa.
...
"Inay! Inay! Inay! Inay!" Ani Basilio at hinanap ang kaniyang ina na si Sisa sa kanilang bahay ngunit wala ito at siya'y napaupo na lamang.
FLASHBACK...
"Kahit anong mangyari magsasama sama tayong kapatid mong si Crispin at uuwi tayo sa ating damba ha." Ani Sisa.
END OF FLASHBACK...
"Inay! Inay!" Ani Basilio na umiiyak.
...
FLASHBACK...
Naguusap sina Crisostomo Ibarra, Tiya Isabel, Victoria, Maria Clara at ng kaniyang apat na kaibigan at si Fidel.
END OF FLASHBACK...
"Anong mang tibay ng pusong sawi pero nagmamahal pa rin anh dapat suriin ay kung sasapat kaya ito para malunasan ang kanser ng bayang ito." Ani Mr. Torres
"Ha! Ang lalim naman noon sir. Pero enough nga po ba. Kasi di ba ganoon din sa mga teleserye. Papahirapan iyong bida sa una pero happy ending pa rin. Parang sa huling dalawang linggo. Di ba po ganoon? So ganoon din po sa novel?" Ani Klay na lumakad pa sila ni Mr. Torres pero huminto rin.
"Iyon nga lang hindi mo na masusubaybayan ang kahihinathan ng mga mahal mong tauhan dahil iiwanan mo na sila uuwi ka na."
"Nangungunsensiya pa kayo eh ang pangit niyo ka bonding. Sige na sir isang spoiler lang. Ano po bang mangyayari sa kanila? Anong mangyayari kay Ibarra pag nawala na ako. Ah...ang ibig kong sabihin kay Ibarra at Maria Clara sa mga susunod na kabanata."
"Pwede mo namang basahin ang libro pag uwi mo. O kaya i search mo ang mga summary nito sa internet gawain mo naman iyan di ba? O kailangan ko ng umalis. Ah magkita na lang tayo pag-uwi mo. Ah! Pakiusap ibigay mo na sa akin ang tatlong gabi mo rito. Huwag mo ng pakialaman ang kwento napakarami ng characters dito. Enough to deal with the sickness ha. At tsaka anong epek nito sa nursing mo?" Ani Mr. Torres na naglakad na sana paalis pero huminto at bumaling ulit kay Klay.
"Terminal na po ba Mr. Torres? Ganoon na ba kalala ang sakit ng kwentong ito?"
"Umpisahan mo ng magpaalam sa kanila." Ani Mr. Torres at tuluyan na nga itong umalis.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...