NAGLALAKAD si Klay sa bakuran ng tahanan ni Crisostomo Ibarra at nakasalubong niya si Fidel na kakadating lang.
"Oh! Talaga bang hindi mo ako titigilan." Ani Klay.
"Binibining Klay naparito ako upang ah... humingi ng tawad kung nauuyam ka na sa akin." Ani Fidel.
"Okay lang. Ha! Sa totoo lang sanay naman na ako. Naiirita na nga ako eh. Kasi patapos na itong nobelang ito bwiset ka pa rin!" Ani Klay na tinuro pa si Fidel.
"Sandali ah... nobela?"
"Hehe ikaw pala bago kong napagsabihinan noon ano! Uy! Here we go again! Kahit naman mapa Juliet Juliet ako ng sabi na kayo ay mga tauhan lang sa isang libro at ako'y napasok lang dito. Kaya impossible akong magka-jowa. Hindi ko na e-explain sayang lang ang luha ko. Mauna na ako. I have an important thing to attend to. Babu!" Ani Klay at tumakbo paalis.
NAKALATAG sa mesa ang guhit ng inhenyero sa gusali ng gagawing paaralan.
"Ako mismo ang tutungo kay Insikopalko ng mga materyales." Ani ng lalaki.
"Si. At may usapan na rin kami ng negosyante." Ani Ibarra.
"Adiós señor."
Translation: (Paalam, ginoo.)"adiós. Hindi kita inaasahan dito amigo." Ani Ibarra at umalis ang lalaki at nakasalubong naman nito si Fidel na kakadating lang.
Translation: (Paalam.)"Amigo may ah... nais lamang akong malaman ukol kay Binibining Klay." Ani Fidel.
"Tila nahulog na yata ang iyong loob sa estrangherang pumasok sa ating buhay amigo."
"Hehe. Ah... batid kong pansin mo rin na marami siyang sinasabi na kung ano ano na hindi natin maunawaan. Ngunit itong sinasabi niya na tayo raw ay tauhan lamang ng nobela?"
"Nabanggit niya na rin iyan sa akin noon."
"At ano ang buong sinabi niya?"
FLASHBACK...
"...I came from the future sir. Galing po ako sa taong 2022. At dahil sa...ah iwan ko mangkukulam yata iyong professor ko na iyon. Siya ang nagdala sa akin sa mundong ito. Sa mundo ng Noli Me Tangere. Isang nobelang sinulat ng ating pambansang bayani at kayo po at so Maria Clara ay mga karakter lamang sa nobelang iyon. At ako...well since nandito na rin ako siguro karakter na rin ako. ...iyon po iyong totoong kwento. Promise!" Ani Klay na napapalinga sa paligid baka may makarinig sa kaniya at pinagkrus niya ang kaniyang mga bisig at parang nanumpa sa pagsabi ng huling salita.
END OF FLASHBACK...
"Kaya't hindi ko alam kung nagbibiro lamang talaga si Binibining Klay o sadyang nasisiraan lang talaga siya ng katinuan. Kaya't tinanggap ko na lamang na marahil ay ganoon lang siguro talaga ang binibini maraming sinasabing kalokohan. Kaya't maaari ay huwag mo na lang sana pansinin ang mga ibang bagay na namumutawi sa kaniyang bibig. Bueno tayo na. Kailangan ko pang maghanda para sa pamamanhikan." Ani Ibarra at tinapik ang likod ni Fidel at kinuha ang tungkod at sumbrero at na una ng umalis.
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...