"HEHE mga amiga, tingnan ninyo ang piloto. Oye, un caballero muy guapo." Ani Neneng habang nakatingin kay Elias na nagmamaneho ng bangka at kinikilig pa siya habang nakatakip ang pamaypay sa kaniyang mukha kasama sina Sinang, Iday at Victoria.
Translation: (Hay, isang napakakisig na ginoo.)"Siyang tunay Neneng." Ani Sinang habang palakad na sila patungong bangka kasama na doon sina Klay at Fidel.
"Ano ba naman kayo! Magsitino nga kayo. Ang lilikot ninyo. Hindi iyan gawain ng mabubuting babae." Ani Tiya Isabel at napatawa na lang si Maria Clara na nasa likod ni Tiya Isabel at ang isa pang katulong.
"Pasensiya Tiya."
"Hala sige na."
"Maraming salamat ginoo." Ani Victoria ng hinawakan ang kaniyang kamay ni Elias ng siya ay pasakay ng bangkay maging si Neneng rin ay ganoon ang nangyari at kinilig pa habang nakatabon ang pamaypay sa kaniyang mukha.
"Magandang araw senyorita. Magandang araw sa inyo senyor." Ani Elias kay Maria Clara at Crisostomo Ibarra ng ito'y papasakay sa bangka.
"Magandang araw din sa inyo ginoo."
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Ficção HistóricaBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...