"MGA Ginoo, mga ginoo bigyan natin ng pagkakataon. Pakinggan natin ang aking kaibigan." Ani İbarra na tumayo pa at natigil sa pagbululong-bulongan ang mga tao.
"Ahaha tama. Makinig po kayong lahat. Hindi lang babaeng pinuno ang magkakaroon tayo. Magkakaroon din tayo ng babaeng kayang magbuhat ng hanggang isang daan at dalawampu't pitong (127) kilong bakal si Hidilyn Diaz. Magkakaroon din tayo ng babaeng mag-aangat sa buhay ng mahihirap. Babaeng guwardiya sibil, at babaeng doktor." Ani Klay.
"Parece que se está volviendo loco." Ani ng Alperes at nagtawanan ang iba pang naroroon.
Translation: (Mukhang nababaliw na siya.)"Ah sandali lang po sandali lang po. Nakakatuwa po ba iyong sinabi kong kaya ring maging doktor ng mga babae." Ani Klay na pinatahimik sila sa pagwagayway ng kaniyang mga kamay.
"Sí." Ani Filipo at nagtawanan sila.
Translation: (Oo.)"Binibininig Klay tama na." Ani Fidel na tumayo pa.
"Ah hindi. Fidel gusto ko lang naman malaman kung anong nakakatuwa sa sinabi ko." Ani Klay.
"Anong nakakatuwa iha? Lahat ng iyong sinambit. Haha ano pa nga ba iyon? Babae sa medisina? Aba'y dali magpaggamot ka na baliw! Hahaha!" Ani Kapitan Basilio at nagtawanan ang lahat.
"Kapitan Basilio! Kapitan Basilio. Hindi yata tama na ganiyan pagsalitaan ang isang babae. Lalo na't pinapahayag niya lamang ang kaniyang mga saloobin." Ani Ibarra at napa lipbite naman si Fidel.
"Senyor hindi ba't may anak kang babae? Wala ka bang pangarap para sa kaniya? Ayaw mo ba siyang matutung magbasa ng ibang libro bukod sa bibliya, at doktrina christiana. Hindi mo ba gugustuhing makita siyang umangat at umasenso dahil sa sarili niyang pagpupursige." Ani Klay.
"Ms. Klay maaaring maging mataas ngunit hindi matalas may hangganan lamang ang aking pagpapaunlak sa iyo. Hmmm." Ani Ibarra at tumango na lang si Klay.
"Huwag mo akong pinapangaralan sa loob mismo ng aking pamamahay. At huwag mong ipipilit na kaya mong pumantay sa kalalakihan. Hehehe." Ani Kapitan Basilio.
"Ha! Huwag niyo rin pong maliitin at ikahon ang mga babae." Ani Klay at pipigilan sana siya ni Crisostomo Ibarra.
"Maari ba mga ginoo huminahon muna kayo." Ani Ibarra.
"Pero iyong kayo pangalawa lamang sa aming mga lalaki. At ikaw daig mo pa ang isang manok na putak ng putak na wala namang silbi. Kaya tumahimik ka na. Hahaha!" Ani Kapitan Basilio at nagtawanan silang lahat.
"Men have no right to tell women to shut up!" Ani Klay at tumungtong sa upuan at napatingala at napag-isip isip sina Alperes at Kapitan Basilio at napatingala din si Crisostomo Ibarra at Fidel na nakahawak sa upuan na tinungtungan ni Klay.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Ficción históricaBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...