"KAPITAN Basilio! Batid niyong hindi kasalanan ng babae kung bakit ka nabilaukan kanina. At nakita naming lahat wala kayong tigil sa pagkain at pag-inom." Ani Fidel.
"Ngunit pinagsalitaan pa rin niya ako sa loob mismo ng aking pamamahay."
"Ngunit Kapitan, hindi niyo po dapat isisi sa kaniya ang nangyari sa inyo. Iniligtas niya po ang iyong buhay." Ani Ibarra na may hawak ng glass of wine at uminon rin si Kapitan Basilio ng wine.
"Pasalamat ta...ta...tayo. Wala ri...ri...rito ang ku...ku...kura." Ani Don Tiburcio at natawa ang ilang tao pati na si Kapitan Basilio.
"Hindi ba natin isasaalang-alang ang kaniyang mga sinasabi kanina. Maganda rin ang kaniyang mga punto."
"Pero kanina ay hindi mo man lang siya pinigilan at panoorin lamang ako'y hamakin." Ani Kapitan Basilio.
"Kayo ang nanghamak sa kaniya Kapitan. Hindi lamang sa kaniya kundi sa lahat ng mga kababaihang narito ngayon kasama na ang inyong asawa at anak."
"Mahal ko ang aking mag ina."
"Kung gayon malawak ang pagmamahal at pag-uunawa. Sana ay patunayan niyo ito sa pagbibigay ng suporta sa pagpasok ng mga kababaihan sa aming eskwela."
"Ah! Tapos na ang gabing ito." Ani Kapitan Basilio at nilagay ang baso ng kaniyang inumin at umalis.
"Amigo, kausapin mo na lang pag hindi na lasing." Ani Fidel at tinapik ang balikat ni Crisostomo Ibarra.
"ya no estoy de acuerdo con el... Marahil ay ayaw lamang niya ng radikal na pagbabago. Ngunit Crisostomo asahan mong ako'y susuporta sa iyong eskwela." Ani Alperes na naglakad palapit kay Crisostomo Ibarra.
Translation: (Hindi na naman sa sang-ayon ako sa kanya...)"Yo también." Ani ng lalaki.
Translation: (Ako rin.)"Hangad ko rin ay wala ng Indio." Ani ng isa pang lalaki.
"Ang mapagiiwanan lalaki man o mapa babae." Ani ng lalaking katabi ni Alperes sa upuan kanina.
"Gracias. Maraming salamat." Ani Ibarra at uminom ng wine at nag cheer si Don Tiburcio at ang Alperes at napahawak pa si Fidel sa kaniyang tobacco na ngumingiti.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...