Chapter 28 Gwapo

50 3 7
                                    

"SIR! Sir Ibarra!" Ani Klay nang makita si Crisostomo Ibarra na papalakad patungo sa bahay at si Klay ay nandodoon pa sa malaking gate kaya tumakbo siya papunta kay Crisostomo Ibarra.

"Ms. Klay! Saan ka galing?" Ani Ibarra at naglakad na sila ni Klay ng sabay.

"Galing po ako sa bahay nila Basilio. Sinamahan ko po iyong nanay nila si Aling Sisa, sa simbahan. Okay na po sir. Nakausap na ho namin iyong kanang kamay yata ng kura iyon. Okay na po. Pumayag na po siya na hindi na niya papapasukin iyong mga bata." Ani Klay at nakita sila ni Renato na naglalakad habang ito ay malapit lang sa malaking gate.

"Talaga ba? At pumayag din ang sakristan mayor?"

"Ehe wala naman po siyang magagawa kung ayaw na noong ina hindi po ba?"

"Sana lang ay matapos na talaga ang suliraning ito."

"Hmmm sir! Medyo awkward po ito pero parang alam ko na kung bakit kayo nailang sa akin sa simbahan." Ani Klay at napahinto sila sa paglakad.

FLASHBACK...

...si Klay ay napahawak sa kaniyang leeg upang punasan ang kaniyang pawis at kinuha ang pamaypay at nagpaypay ng mabilis habang nakatingin kay Crisostomo Ibarra na nagulat sa ginawa ni Klay dahil alam niya ang ibig sabihin ng pagpaypay ng mabilis ngunit walang kaalam alam si Klay....

"Ms. Klay batid mong ako'y may nobya na."

"...Ano naman ngayon?..."

END OF FLASHBACK...

"Noong nagpaypay ako ng mabilis ngayon ko lang kasi nalaman kung ano ang ibig sabihin noon. Sir sorry wala akong ibang ibig sabihin doon ha! Ahm...wala po akong gusto sa inyo. At hindi po ako na iinlove sa inyo. As in!" Ani Klay.

"At si Fidel dahil ang akala niya'y umiibig ka rin sa kaniya." Ani Ibarra.

FLASHBACK...

"Buenas Dias!" Ani Fidel kay Klay na napayuko lang at namaypay ng mabilis dahil naiinitan at tumitig rin siya kay Fidel.

...nagpaypay ng mabilis ng kindatan siya ni Fidel...

END OF FLASHBACK...

"Ah! Naku sir. Huwag niyo na po siyang intindihin. Maraming akala iyon. Akala nga niya gwapo siya eh!"

"Hehe kakaiba talaga ang iyong pananalita. Nakakatuwa." Ani Ibarra at nagpatuloy sa sila sa paglalakad at umalis na rin si Renato na nakamasid sa kanila pero sa kalayuan lang ito kaya wala itong nahagilap kung ano man ang pinag-uusapan ni Klay at Crisostomo Ibarra.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon