NAGLALAKAD ang mga tauhan ni Fidel sa kaniyang hacienda. Pumunta si Crisostomo Ibarra doon at nagpalinga linga hawak ang kaniyang tungkod at sumbrero.
"Ha!" Ani Ibarra.
"Crisostomo Ibarra me amigo!" Ani Fidel nang mapansin niya si Crisostomo Ibarra.
"Ha!" Ani Ibarra at napalakad pa.
"Anong nangyari sayo? Tila ikaw ang nag pastol ng iyong mga kalabaw kaninang umaga.¿Es así como te presentarás en la reunión del tribunal más tarde?" Ani Fidel at napaupo si Crisostomo Ibarra.
Translation: (Ganyan mo na ba ipri-prisinta ang iyong sarili sa tribunal na pagtitipon mamaya?)"Masiyado pa silang bata Fidel."
"Sino amigo?"
"Ang dalawang magkapatid na sakristan. Marami pa silang mga pangarap ngunit ang mga iyon ay maaaring maglaho na parang bula dahil sila ay napagbintangan."
"Ang mga tumakas dahil nagnakaw sa kura?Amigo balitang balita dito sa bayan."
"¡Todas mentiras! Lahat ng iyan ay pawang paninirang puri lamang. Walang pinagkaiba noong inakusahan nila ng kasinungalingan ang aking ama noon."
Translation: (Kasinungalingan lahat!)"Amigo pahingi ng paumanhin ngunit ah...hindi ko na mawari kung ikaw ay pinagpapawisan o tumatangis."
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...