Gabi na pero naglalakbay pa din sina Klay, Crisostomo Ibarra at Fidel. Tumunog pa ang kabayong minamaneho ni Fidel.
"Ikaw na naman ba iyan?" Ani Klay ng makita ang alitaptap.
"Ano iyon?" Ani Fidel.
"Ay wala po. Iyong alitaptap hehe. Mag-isa lang eh. Diba po dapat grupo sila?" Ani Klay at tumunog rin si Fidel ng pampautos ng kabayong kaniyang minamaneho.
"Madalas nga ay marami silang magkakasama. Lumilipad iyon sa mga puno." Ani Ibarra.
"Ang ganda! Madalang na lang kasi iyon sa amin."
"Karaniwan ang mga alitaptap dito. Lalo na't sa mga masusukal na lugar."
"Amigo, malapit na tayong pumasok sa peligrosong daan na madalas pinagtatambangan ng mga tulisan. Kaya binibining Klay, simulan mo na magdasal upang mailigtas ang ating paglalakbay. Iyan kung ay didinggin ng Diyos ang dasal ng isang bruha." Ani Fidel.
"Sir oh!" Ani Klay na nagsumbong pa kay Crisostomo Ibarra at tinuro pa si Fidel.
"Tama na kayo! Musmos pa lamang ako ay naririnig ko na tungkol diyan sa tulisanis na iyan na sila nga raw ay nanghaharang at nanloloob ng mga tao. Ngunit wala pa naman akong nakilala na nagpapatotoo nito." Ani Ibarra.
"Amigo may isang prayle na hinarangan noon at ito'y kanilang sinaktan." Ani Fidel.
"Prayle naman pala! Eh baka masama iyong prayle na iyon kaya siya sinaktan." Ani Klay na natawa pa ng peke.
"Susmaryosep babae! Hindi ka ba talaga tinuturuan ng iyong ina na gumalang sa mga prayle?" Ani Fidel at napatayo si Klay ng kaunti at hinampas ng marahan si Fidel sa likod na nagmamaneho at umupo din siya ulit.
"Hoy! Huwag mong madamay damay dito iyong nanay ko! Baka gusto mong masampal kita!" Ani Klay na akma na namang tatayo pero pinigilan siya ni Crisostomo Ibarra gamit ang pagharang ng kamay nito kay Klay.
"Tama na nga iyan at manahimik na kayo. Dahil kung totoo nga ang sinasabi ni Fidel ukol diyan sa mga tulisanis na iyan ay tiyak na mahaharang tayo dahil maiiingay kayo." Ani Ibarra at napatahimik na si Fidel at Klay habang patuloy pa rin sa paglakbay ang kanilang kalesa sa gitna ng gabi.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...