"ANG inyong sukli binibini." Ani ng tinderang babae na nag-abot kay Klay na nakahawak ng pitaka at hindi niya pa ito nakuha at nagsalita si Fidel na ikinagulat niya at guni-guni lang naman niya iyon.
"Hindi mo ba talaga kayang masuklian ang aking pag-ibig binibini?" Ani Fidel ng nakangiti na parang totoo talaga na siya ang nasa pwesto ng nagtitinda.
"Che! Wala akong time!"
"Iyong sukli mo sabi." Ani ng tindera at kinuha na niya Klay ang barya na sukli.
"Ay! Ha! Salamat po. Hehe. Pasensiya na lutang! Ho! Klay! Focus tayo sa totoong kwento. Project happy ending para kina Maria Clara at Ibarra hindi para sayo. Kung sino sino nakikita mo eh!" Ani Klay sa sarili at animo'y kinakausap niya ang kaniyang hintuturo at itinuro pa niya sa kaniyang mukha habang naglalagay sa baryang isinukli sa kaniyang pitaka at ng paglingon niya sa kabila ay nakita niya si Renato sa hindi kalayuan kasama si Lucas.
"Mag-ingat sa mga susunod mong gawin kapag ika'y nakatali na mahirap ng makawala." Ani Renato.
"Kung ang kapalit lang ay karampatang presyo. Ano pa bang nakalaan para sa atin?" Ani Lucas.
"Nasa talipa pa nga ako. I see and smell something fishy. Hmmm. Hmmm... Magandang umaga sakristan mayor! Bakit niyo po kausap iyong lalaking iyon?" Ani Klay sa sarili na nakataas ang kilay at lumapit kay Renato ng makaalis si Lucas dala ang supot ng perang barya na ibinigay ni Renato.
"Ikaw na naman pakialamerang babae ka!" Ani Renato.
"Ah! Ang init naman agad ng ulo niyo. Nagtatanong lang ako. Nag-alala lang kasi ako dahil kagabi hinuthutan kami niyan eh baka ho kayo rin. Baka may kinalaman kayo sa panggugulo noon?"
"At ikaw dapat ang aming tinatanong binibini. Hmmm..." Ani Padre Salvi sa likod nina Klay at Renato na kakadating lang sa kanilang kinaroroonan at napapaubo pa ito.
"Mahal na kura. Nagtatanong lang po ako kung wala kayong bagong tinatago. Dahil kung ganoon oh edi maganda. Babu! Dahil sa totoo lang ayaw ko naman na dito. Kaya mauna na po ako. Ah!" Ani Klay na napaharap kay Padre Salvi at napawave pa ng kamay ng akmang aalis na ngunit hinawakan ni Padre Salvi ang kaniyang siko upang matigil ito sa pag-alis.
"At sinong masamang espiritu ka nakakuha ng lakas ng loob para usigin ang alagad ng Diyos?"
ANG dalawang lalaki ay pinag-alsa ang isang kahon ng alak.
"Ah! Dalhin niyo lamang iyan sa tahanan ng intsik at paki-ingatan na walang mabasag." Ani Fidel habang hawak ang listahan niya.
"Opo senyor." Ani ng trabahador at inalsa ang kahon ng alak kasama ang isa pang lalaki na katulong sa pag-alsa niya ng alak at sila'y umalis habang si Fidel ay naglilista rin sa kaniyang listahan.
"¡Amigo!" Ani Ibarra na kadadating lang.
Translation: (Kaibigan!)"¡Amigo!" Ani Fidel na humarap kay Crisostomo Ibarra at lumapit dito habang inilipat sa ibang pahina ang kaniyang listahan.
Translation: (Kaibigan!)"Tama nga ang hinala ko ikaw ay abala kung kaya't hindi mo na magawang kamustahin ang iyong matalik na kaibigan."
"Mayroon ba ako dapat na kamustahin sayo amigo?"
"Magandang balita amigo dahil tinanggal na ng arsobispo ang aking parusang ex-communication. At nangangahulugan na maari ko ng pakasalan si Maria Clara kung kaya't agad akong magtutungo sa kanila upang ibalita agad ito."
"Ah! Amigo tunay bang iniibig mo si Maria o baka naman may iba ka pang babaeng iniibigan gaya halimbawa ni... Binibining Klay?" Ani Fidel na patango tango at naglakad ng kaunti at sumunod lang si Crisostomo Ibarra.
"Hehe at bakit mo naman naisip na si Binibining Klay ay... oo tama ka tunay nga siya ay kaibig ibig ngunit isa siyang matalik na kaibigan at isang nakakabatang kapatid lamang para sa akin. Kung kaya't tigilan mo na ang iyong panunukso dahil wala naman akong ibang babaeng gustong pakasalan kundi si Maria Clara." Ani Ibarra na itinuro pa ang tungkod nito kay Fidel ng bahagya at napakaba naman si Fidel ngunit napalitan rin ng relief na feeling.
"Ah...ah!" Ani Fidel na yumakap pa kay Crisostomo Ibarra at tinapik lamang ito ni Crisostomo Ibarra sa likod at naghiwalay rin kalaunan.
"Susmaryosep!"
"Haha!"
"At bakit mo naman ako kailangan yakapin pa?"
"Ah... ah... natutuwa lamang ako amigo na hindi ka na ex-communicado hindi ba?"
"Oo."
"Tunay ngang napakagandang balita nga iyan amigo. Hehe." Ani Fidel na malaki ang ngiti habang pekeng natatawa naman si Crisostomo Ibarra dahil sa turan ni Fidel na nakakapanibago."
"Siyang tunay!"
"Hehe!"
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...