Chapter 95 Regalo

15 2 6
                                    

SA labas ng bahay ni Maria Clara ay maaliwalas.

"Ho! Beauty! Kaya dapat happy! Parang walang nangyari. Ho! Mag work ka lang. Punas punas kaya kung hindi ay baka malegwak ka sa bahay na ito kung saan ka pa pulutin. Hmmm." Ani Klay sa sarili habang nagpupunas sa may hawakan ng hagdan.

"Pasok po senyor." Ani ng katulong at patuloy lang umakyat sa hagdan.

"Sir Fidel? Anong mayroon?" Ani Klay.

"Imported cheese and biscuits." Ani Fidel ng inilahad niya ang kaniyang dala na nakabalot pa ng maayos kay Klay.

"Para kay Senyorita Maria Clara? Nasaan si sir Ibarra?"

"Ah! Ahm marahil ay ah abala sa kaniyang itinatayong eskwelahan. Hindi mo ba nagustuhan ang munti kong regalo para sayo."

"Para sa akin? Bait baitan." Ani Klay na hindi makapaniwala at nagawa pang bumulong at magsungit habang naka ekis ang mga braso at napatango naman si Fidel sa tanong ni Klay.

"This is a... my peace offering. Considering what happened in the past between us. I mean ah bad things that happen between us. I hope there are no more feelings."

"Ano nga ulit iyan?"

"Imported biscuits and cheese." Ani Fidel at kinuha na ni Klay ang regalo ni Fidel.

"Cheese ah sosyal ah may pa cheese. Thank you." Ani Klay at nag ngitian silang dalawa.

"TAO po! Ah magandang umaga po. Ah sulat po para kay Kapitan Tiago." Ani ng lalaking may dala ng sulat.

"Akin na iyan." Ani Tiya Isabel na nasa itaas ng hagdan.

"Ah salamat." Ani Klay ng makuha niya ang sulat.

"¡Buenos días, Doña Isabel!" Ani Fidel.
Translation: (Magandang umaga, Donya Isabel!)

"¡Buenos días don Fidel! Ipagpaumanhin mo ngunit marami pang ginagawa si Binibining Klay." Ani Tiya Isabel.
Translation: (Magandang umaga, Don Fidel!)

"Ah paumanhin ho Donya Isabel. Binibining Klay, ah Donya Isabel mauna na ho ako." Ani Fidel at nagtanguan sila ni Klay at umalis na siya.

"Hindi maganda sa isang babae ang makipagkita sa isang lalaki lalo na kung siya'y nag-iisa o walang kasama."

"16 years old? Kailangan ng chaperon." Ani Klay na pabulong.

"May sinasabi ka?"

"Wala po hehe. Nagpapasalamat lang po ako sa sermon este sa... paalala ninyo Donya Isabel. Huwag po kayong mag-alala hindi na po mauulit."

"Mabuti kung ganoon. Bueno dalhin mo na ang liham ni Don Tiago sa kaniyang silid aklatan at ilapag mo na ang kaniyang mga sulat doon." Ani Tiya Isabel at umalis.

"Masusunod po. Ho! Huwag kang pumatol! Huwag kang pumatol! Smile! May liham. May keso okay lang iyan."

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon