Chapter 139 Libro

14 1 0
                                    

"OH sino ka? Anong ginagawa mo rito?" Ani guwardiya sibil.

"Senyor mayr'on lamang po akong..." Ani Hernando at si Fidel ay dali daling lumapit sa guwardiya sibil dahil nasa likod siya nito at inipit ang leeg nito at binalibag upang mabawian ito ng buhay.

"Ah! Ah!" Ani ng guwardiya sibil at napahiga na sa lupa.

"Hernando ikaw na muna ang bahala rito." Ani Fidel.

"Mag-ingat ka kaibigan." Ani Hernando at pumasok na si Fidel kung nasaan nakakulong si Klay at naiwan si Hernando at kinuha ang armas ng guwardiya sibil at kinaladkad ang bangkay nito at mayroon na mang babaeng paparating ang nagtago ng bahagya at nakita ang ginawa ni Hernando.

NAGPALAKAD-LAKAD ang guwardiya sibil na nakabantay kay Klay na tulog na tulog sa kulungan.

"Sino ka? Ah! Ah! Ah! Ah! Ah!" Ani ng guwardiya sibil ng pagharap niya ay nakita niya si Fidel at inigaw nito ang armas niya at siniko siya sa mukha at napaatras siya at inihagis naman ni Fidel ang kaniyang kutsilyo na dala at tumarak ito sa dibdib ng guwardiya sibil at si Klay ay naggising at napatakip na lang sa bibig.

"Hoy! Ah! Ah! Ah! Ah! Ah!" Ani ng isa pang guwardiya sibil na paparating din at tinadyakan lamang siya ni Fidel at napalayo ito at nabitawan ang armas na nakatutok sana kay Fidel at susuntok na sana ito sa magkabilang kamao ay nahawakan naman ito ni Fidel at sinuntok niya ito at tinadyakan ng dalawang beses kaya napalayo na naman ang guwardiya sibil at hinubad na ni Fidel ang kaniyan sumbrero na gawa sa kawayan at inihagis niya ito sa guwardiya sibil at ito ay nawalan ng malay at kinuha naman ni Fidel dito ang susi na nakakabit pa sa bewang nito.

"Fidel!" Ani Klay at tumayo ng mapagtanto kung sino ang nakita niya parang nag slow mo ang lahat ng magkatitigan na sila.

"Klay!" Ani Fidel na dahang dahang lumapit sa kulungan ni Klay.

"BINIBINING Klay!" Ani Fidel.

"Ha! Ha! Hahaha! Sobrang namiss kita. Kung alam mo lang." Ani Klay at binuksan ni Fidel ang kulungan gamit ang susi na nakuha nito at napaiyak naman si Klay ng makalabas na siya.

"Kay tagal kitang hinintay binibining Klay."

"He!"

"Salamat at nagbalik ka na."

"He! Ha! Huhu!" Ani Klay at yumakap kay Fidel at yumakap naman si Fidel ng pabalik at napaiyak na din.

Buhay ko ay kompleto na
Dahil sa iyo
Ikaw lang ang kailangan sa
Buhay ko

Kailangan kita
Dito sa 'king mundo
Mawa...

Bumitaw na sa yakap sina Klay at Fidel at napahawak naman si Klay sa braso ni Fidel at hahalikan na sana si Fidel at tuluyan na sana silang maghalikan ngunit hindi natuloy.

"Fidel! Tayo na!" Ani Hernando na kakadating lang.

"Ikaw? Eh 'yong kutsero?" Ani Klay.

"Ako nga binibini. Ngunit mamaya na tayo magkamustahan malapit na sila dito. Tayo na!"

"Ah ha! Sandali 'yong bag ko, 'yong libro? Ah! Ha! Saan kaya niya itatago 'yon? Kailangan ko munang mabawi kay panot 'yong libro."

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon