"DINGGIN niyo kami! Dinggin niyo kami! Dinggin niyo kami! Dinggin niyo kami!" Ani ng lahat at rinig rin sa labas ng simbahan.
"Tumigil kayo! Tumigil kayo!" Ani Padre Salvi at pinatigil nila Renato ang mga tao ngunit hindi rin sila pinakinggan ng mga ito.
"Dinggin niyo kami!"
"Itigil ang kaguluhang ito." Ani Alperes na papasok sa simbahan.
"Dinggin niyo kami!"
"Tumigil kayo! Mga erehe!" Ani Padre Salvi.
"Tigil! Sinabing magsitigil na kayo!" Ani Alperes at pinaputok ang baril sa itaas.
"Ah! Ah! Ah!" Hiyaw ng mga tao at napatakip rin sa ulo si Klay at maging si Maria Clara ay natakot na niyakap naman ng kaniyang Tiya Isabel.
"Ha! Tila narinig mo na ang aking panalangin." Ani Ibarra.
"Itigil mo na 'yan! Kung hindi mo ibig ang iyong kamatayan." Ani Alperes na itinutuk ang baril kay Crisostomo Ibarra na nasa itaas.
"Ngunit tayo'y magkakababayan, mga kapwa pilipino." Ani Ibarra ng nakataas ang kamay na may hawak pa na baril at ibinaba ito at lumakad palapit sa mga guwardiya sibil na nasa baba upang magpadakip at kinuha ng guwardiya sibil ang kaniyang baril at ginapusan ng lubid ang mga kamay nito habang nakatutok pa rin ang baril ng Alperes sa kaniya at si Kapitan Tiago na lumapit pa kay Maria Clara at Tiya Isabel sa kabilang upuan at si Klay na akmang lalapit sana kay Crisostomo Ibarra.
"Tapos na ang palabas! Kung hindi kayo magsisimba magsi-uwi na kayo! Kundi ipadadakip ko kayo!" Ani Alperes at sumuko na nga si Crisostomo Ibarra at naglakad sila palabas at naiyak naman si Maria Clara, Klay at ang batang babaeng mag-aaral at nagsi-uwian ang mga tao maging si Elias at si Fidel na walang magawa sa kaniyang matalik nga amigo.
"Crisostomo!" Ani Maria Clara at tumayo na umiiyak at napalingon si Crisostomo Ibarra sa kaniya at lumapit ngunit pinigilan ito ng mga guwardiya sibil at hindi rin tuluyang nakalapit si Maria Clara dahil sa mga taong dumaraan sa pagitan nila ni Crisostomo Ibarra at hindi nga sila nagkalapit at tuluyan ng lumabas si Crisostomo Ibarra kasama ang mga guwardiya sibil at ang alperes.
"Hindi ka dapat malungkot senyorita dahil grasya sa iyong tulong ang tuluyan ng nahubadan ng maskara ang erehe at filibustero na iyon." Ani Padre Salvi na kakarating lang sa harapan ni Maria Clara.
FLASHBACK...
"May mga tinatago kang mga liham ni Crisostomo Ibarra nais kong makuha 'yon sayo." Ani Padre Salvi.
"At bakit niyo naman ho hinahangad ang mga liham ni Crisostomo?" Ani Maria Clara.
"Binabalaan kita Maria kapag wala pa sa akin ang mga liham ng iyong nobyo pag sumapit ang dilim mapipilitan akong gawin ang nararapat malalantad sa lahat ang baho ng iyong pamilya."
END OF FLASHBACK...
"Hindi lang pala niya hangad na wasakin ang simbahan nais niya rin pa lang pabagsakin ang ating pamahalaan. Sa kaniyang pagkakasala tinitiyak kong kamatayan ang magiging kapalit ng kaniyang pagiging filibustero at bukod sa mga binulalas niyang salita sa sambayanan ng San Diego. Ang iyong liham ang mga ibinigay mo sa akin Maria ang naging susi sa kaniyan kapahamakan. Así que muchas gracias María. Muchas gracias." Ani Padre Salvi.
Translation: (Kaya maraming salamat, Maria. Maraming salamat sa'yo.)"Padre!" Ani Renato at napatango lang si Padre Salvi at umalis sila.
FLASHBACK...
"Tahan na. Tahan na mahal ko. Kung wala man lang akong natatandaan na sinulat sa aking liham na ikasisira ko. Tiyak ko ang kaniyang pakay kung kaya't kinuha niya 'yon dahil gusto niya maghanap ng mga bagay na supresibo kaya't huwag kang mag-alala dahil nauunawaan ko." Ani Ibarra at pinahid ang luha ni Maria Clara na nasa pisngi nito.
END OF FLASHBACK...
"Maria!" Ani Kapitan Tiago ng umupo si Maria Clara sa sahig at umiyak at niyakap niya ito.
"Clarita!" Ani Tiya Isabel na lumapit rin at nagyakap sila ni Maria Clara.
"MANG Adong sino ang nasa bahay ni sir Ibarra? Ang mga gamit niya nasaan?" Ani Fidel.
"Nandoon si senyorita Klay." Ani Mang Adong.
"Jusmeyo, halika na." Ani Fidel at umalis na sila.
"AH!" Ani Klay ng buksan ang pintuan at pumasok sa loob ng bahay ni Crisostomo Ibarra kasunod si Elias.
"Ito na ba ang lahat ng gamit?" Ani Elias.
"Oo yata? Bigla na kasi dumating 'yong mga guwardiya sibil noong nag walk out ka. Ha! Ah! Ito na naman 'yong baril! Hmmm." Ani Klay ng makita ang baril na natubunan ng bag.
"Hmmm. Akin na ito. Batid kong babalik pa ang mga guwardiya sibil upang halughugin ang bahay. Natitiyak ko kahit pwet ng baso ay maari nilang gamitin maging na ang mga senyor." Ani Elias at kinuha ang baril at nilagay sa bag.
"Kailangan na nating magmadali." Ani Fidel na kakadating lang kasama si Mang Adong na may dala na lampara at nilagay niya ito sa mesa.
"Tapusin na natin ito."
"Sandali, malinaw sa akin kung nais mong tulungan ang aking amigo ngunit ikaw ano ang iyong kadahilanan, piloto?"
"Oo nga, bakit tumutulong ka ulit matapos ang naganap sa inyong dalawa ni sir Ibarra kanina?" Ani Klay.
"Kung magiging matagumpay ang laban na ito kailangan isantabi ang iyong sarili at ang iyong nakaraan para sa hinaharap ng bayan. Wala na tayong oras. Magmadali na tayo." Ani Elias.
"Ah! Eh!" Ani Klay at nagsimula na silang maghalughug sa bahay.
"...SUBALIT may iilan na hindi takot sa pagsuko ng dilim bugkos ito'y buong puso nilang sasalubungin. Kay pait naman!..." Ani Pilosopo Tasyo habang sila Klay, Fidel, Elias at Mang Adong ay nagliligpit ng mga gamit ni Crisostomo Ibarra at inilagay sa sako at dinala ito ni Mang Adong palabas.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...