"SENYOR Ibarra, inihanda ko na po ang tubig at ensaymada sa kuwarhe na muna ho ako maghihintay." Ani Mang Adong na naglakad palapit kay Crisostomo Ibarra na may dala dalang box.
"Maraming salamat Mang Adong." Ani Ibarra.
"Sige po senyor." Ani Mang Adong at umalis habang uminom ng wine si Crisostomo Ibarra.
"Amigo, eh kung magdiwang na lang tayo sa amin. At may pagpupulong sa tribunal mamaya hindi ba? Amigo, nahahabag na naman ang iyong puso pag ika'y nagtungo sa kwartel." Ani Fidel.
"Gusto ko lamang kamustahin iyong lagay ni Aling Sisa. At malaman na rin kung nasaan si Ms. Klay."
"Malamang ay naglamyerda at kung saan saan na lang nagsusuot si Binibining Klay. Amigo ligtas iyon at uuwin iyon dito kapag kaniyang ginusto."
"Ngunit kailangan nating makasiguro. Masiyadong marami ng taong nawawala at nagwawala ngayong araw na ito at ayaw ko ng dagdagan pa. Ikaw ba'y sasama o iinom ka na lamang ng bino sa inyo." Ani Ibarra at inilagay ang baso sa mesa kung saan nakaupo si Fidel sa isang silya doon at umalis sumunod rin naman si Fidel siya ay tumayo at uminom muna ng wine niya pero hindi niya inubos at kinuha ang kaniyang tungkod at sumbrero.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...