Chapter 67 Lasing

22 2 4
                                    

"DON Basilio marami na kayong nainom at nakain." Ani Alperes.

"Ngunit nais kung makumbense ako ni Crisostomo para makapagbigay ako ng donasyon sa kaniyang eskwela." Ani Kapitan Basilio at nakapasok na nga ng tuluyan si Klay.

"Bukod sa mga kababaihan na nasa kolehiyo sa bandang kanluran at sa inspirasyon hatid ng mga bata kanina at mayroon din akong nakilalang isang hindi pangkaraniwang babae. Matalino, palabasa, tunay na kakaiba. Sa kaniya ko rin nalaman ang kahalagahan na makapag-aral at makapagtapos ang mga kababaihan. Magkaroon sila ng pantay na opportunidad katulad nating mga lalaki." Ani Ibarra na tumingin pa kay Fidel at napangiti si Klay sa kaniyang narinig at napahawak pa sa kaniyang dibdib.

"Eh may opportunidad naman silang manilbihan at tumulong sa mga adhikain sa simbahan at sa bahay. Hehe."

"Amigo huwag mo ng patulan lasing na." Ani Fidel ng pabulong kay Crisostomo Ibarra.

"Ngunit hindi mo ba sila nililimitahan." Ani Ibarra na inimwestra pa ang kamay na okay lang.

"At anong nais mo Crisostomo? Manghihimasok rin sila sa pagpapatakbo ng bayang ito? At baka malingat rin ako ay sila na rin ang gumagamot sa hospital. Silencia! Silencia! Sino ang maiiwan para sa mag-alaga sa mga bata kapag nangyari iyan? Sinong magluluto? Magbabantay ng bahay? Mierda. Hanggang bahay lamang ang kababaihan." Ani Kapitan Basilio at nagsitawanan silang lahat maliban kina Fidel, Crisostomo Ibarra at Klay at nagbulong bulongan pa ang iba at napatango sa sinasabi ni Kapitan Basilio at napataas ang kilay ni Klay.
Translation: (Kalokohan.)

"Tienes razón." Ani ng lalaki.
Translation: (Tama ka.)

"Tiene razón don Basilio."
Translation: (Tama ka, Don Basilio.)

"Mawalang galang na po, pero hindi po totoo iyan." Ani Klay ng makalapit siya kay Kapitan Basilio at kinausap pa ito ng nakangiti.

"Ms. Klay." Ani Ibarra.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon