"UMPISAHAN na ang pasinaya!" Ani Alkalde at nagpatugtug na ang mga musikero ng kanilang drum at tumayo si Padre Salvi kasunod naman niya ay si Renato at nagpalakpakan ang lahat at nakarating na rin si Klay doon habang nasa may desinyo na daanan pa lang siya.
"Hmmm. Asan na siya? Buti naman safe pa siya." Ani Klay sa sarili ng makita si Crisostomo Ibarra na maayos naman at nagkatinganan naman sila ni Fidel sa hindi kalayuan. At pumunta naman sa may pinaghukayan sina Padre Salvi at Renato.
"Ehem. Ehem. San Miguel Arcángel, Sálvanos del peligro, sé nuestro baluarte contra el mal y el engaño del diablo Oramos para que Dios lo destruya. Oh Príncipe de las huestes celestiales, en el poder de Dios, arrojar a satanás y a todos los espíritus malignos al infierno eso... vagando por el mundo y tratando de destruir almas. Amén." Ani Padre Salvi na uubo ubo pa at binasbasan ang bagay na nasa loob ng hukay habang nagbabasa sa kaniyang libro at napatingin sa taong dilaw na nasa itaas ng hukay na napatango lang at ang tagahawak ng tubig ay si Renato at paparating na nga si Klay doon at napatayo naman si Fidel upang salubungin si Klay at sabay na silang bumalik doon pero nakatayo lang sila sa likod at natapos na nga si Padre Salvi at bumalik na sa kaniyang inuupuan at napatingin si Klay kung nasaan si Crisostomo Ibarra at napatingin lang din si Fidel sa ginagawa niya at dumating naman si Kapitan Tiago at naupo rin ito sa inuupuan ni Fidel kanina at nagulat si Klay ng makita ito kaya humawak siya sa braso ni Fidel at nagtago sa likod nito at napangiti lang si Fidel sa inakto ni Klay at nagliligpit na ng mga papeles sina Crisostomo Ibarra at Alkalde na inilagay pa sa rektanggulong kahon at bilog na pahaba na kahon.
Translation: (San Miguel Arkanghel, Iligtas mo kami sa panganib, maging aming sandigan laban sa kasamaan at panlilinlang ng demonyo. Isinasamo namin na puksain nawa siya ng Diyos.O Prinsipe ng mga hukbo sa kalangitan, sa kapangyarihan ng Diyos, itapon sa impyerno si Satanas at ang lahat ng masasamang espiritu na... umaaligid sa mundo at nagtatangkang ipahamak ang mga kaluluwa. Amen.)"Sa pagtatayo ng eskwela na ito dito sa ating bayan ng San Diego. Ito ang magsisilbing liwanag sa ating mga kabataan na bulag sa kamangmangan at hindi ito mabubuo kung hindi dahil sa pagpupursige sa pagpapagal at lakas ng loob ng ating punong-guro ang butihing ginoong si Senyor Ibarra." Ani Alkalde at inilahad pa ang kamay patungo sa mga kabataang naroroon at nagpalakpakan ang lahat maliban kay Padre Salvi at napalakpak lang naman si Padre Damaso habang nakasimangot at si Fidel na kinikilig pa dahil nasa gilid lamang niya si Klay.
"Gracias, señor alcalde. Kayo ang naging instrumento kung kaya't naaprobahan ang eskwelahang ito kaya't nararapat lamang siguro na kayo ang unang maglagak sa pundasyo ng eskwela." Ani Ibarra.
Translation: (Salamat, ginoong alkalde.)"Senyor Ibarra labis labis na parangal ang binibigay mo sa akin. Gracias." Ani Alkalde at pumunta sa pundasyon ng eskwela dala ang kahon.
Translation: (Salamat.)"Ay Estoy aburrido... ¿Cuándo tendrá lugar el buen espectáculo?" Ani Padre Damaso at inilagay na ng Alkalde ang kahon sa loob ng pundasyon sa eskwela.
Translation: (Naiinip na ako... Kailan ba magaganap ang magandang palabas?)"Las cosas buenas llegan a quien sabe esperar." Ani Padre Salvi at napatingin sila ni Padre Damaso sa taong dilaw at namataan na nga ni Klay ang taong dilaw.
Translation: (Darating ang mabubuting bagay sa mga marunong maghintay.)"High level of below raven jaundice!" Ani Klay.
FLASHBACK...
"Bantayan niyo siya sa pasinaya bukas lalo na sa taong dilaw." Ani Elias.
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...