Chapter 128 Gorabels

11 1 0
                                    

"BIBINING Klay baka may makakita sa atin dito. Maraming naghahanap sa atin." Ani Fidel na nasa palengke sila ni Klay at naka hawak sa kani-kanilang mga sumbrero upang hindi makita ang kanilang mukha.

"Kailangan ko lang makausap si Maria Clara. Pagkatapos noon gorabels na tayo promise." Ani Klay.

"Gorabels!"

"Andeng ikaw ba 'yan? Hmmm! Si Maria Clara? Aalis ka na sa inyo?" Ani Klay at nakita si Andeng at napaiyak lamang ito dala ang gamit na nakalagay sa isang kahon na gawa sa buli.

"Sinaktan ko siya. Sinaktan ko ang aking kapatid." Ani Andeng.

"Bakit naman kayo magkakasakitan? Eh mahal niyo ang isa't-isa hindi ba? Kaibigan, pamilya ang turing niyo sa isa't-isa."

"Ngunit sa kabila ng lahat ng 'yon. Ano ang ginawa ko? Hindi tulad mo Klay sa kabila ng pagpapalayas nila sayo sa kanilang pamamahay. Hindi mo pa rin siyang nagawang talikuran. Ikaw ang nagmulat sa kaniya sa iba't-ibang mga bagay kahit sinasabi ng lahat ng tao na siya ay pumikit."

FLASHBACK...

"¡Ven aquí!" Ani Padre Damaso at hinila si Klay sa braso.
Translation: (Halika rito!)

"Ah tama na!" Ani Klay.

"Ninong! Ninong! Padrino, ¡lo siento! ¡Déjalo ir, por favor!" Ani Maria Clara at umiyak at pumigil sa paghawak ni Padre Damaso kay Klay.
Translation: (Ninong, patawad! Bitawan niyo siya, pakiusap!)

"Aba'y dapat lamang na mawala na sa inyong bakuran ang ahas na ito bago pa tuluyang manuklaw." Ani Victoria.

...

"Bakit? Ngunit ayaw ko siyang mawala'y sa akin." Ani Maria Clara kay Victoria at nakikinig lamang si Andeng.

...

Naglalakada sina Klay, Crisostomo Ibarra at Andeng.

...

"Hindi dapat mapagkakatiwalaan ang inyong kinupkop sapagkat maaari niyang agawin ang pagkakataong ito upang agawin ang minamahal niyo mula sa inyo." Ani Andeng.

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon