Chapter 53 Mag-isa

31 2 5
                                    

"TAMA nasa mundo ka na ng nobela. Tauhan ka na rin ng kwentong ito. Nalalasap mo na ang hanging nalalasap nila. Niyayapakan  mo na ang lupa ng San Diego. Pero ang tanong? Anong magiging papel mo? Sa isang kwentong tapos ng naisulat. Ba't nandirito ka pa?" Ani Mr. Torres.

"Eh nahuli po ako ng ilang segundo sa portal." Ani Klay.

"Ba't ka naman na huli?"

"Kinailangan ko po kasing tulungan sina Ate Sisa at sir Ibarra."

"Bakit kailangan tulungan si Sisa at si Ibarra?"

"Hello sir? Si Ate Sisa iyon. Si Ibarra iyon."

"Oh eh ano naman? They are just characters in the novel."

"Excuse me sir, hindi lang po basta basta silang tauhan. Kinailangan ni Ate Sisa ng tulong ko. At si sir Ibarra mabait, mapagmahal, may pakialam sa iba, ah..."

"Kaya mahal mo?"

"Ha paano niyo naman hindi mamahalin si Iba..." Ani Klay at napatakip na lang sa kaniyang bibig ng ma realize niya ang kaniyang sinasabi.

"Hindi mo na kailangan baguhin pa ang kwento. Napunta ka rito para lang matuto at iyan ang una mong natutunan ang magmahal. Hindi ka lang nahuli sa portal kaya ka hindi nakauwi. Pagmamahal ang nagpapanatili sayo sa mundong ito. Pagmamahal din ang tutulong sayo para matapos mo ang kwento ng makauwi ka na." Ani Mr. Torres at napabuntong hininga si Klay.

"Ha anong ibig sabihin noon? Ha hindi naman pwede iyong pagmamahal na ito eh? Ayaw kong makasira sa love story ni Maria Clara at Ibarra." Ani Klay at hindi niya napansin na naglaho na si Mr. Torres na parang bula.

"Binibining Klay! Bakit ikaw ay nagsasalita ng mag isa?" Ani Fidel sa malayo at naglakad papunta kay Klay sa may hagdan at pababa siyang naglakad napahawak pa siya sa kaniyang sumbrero dahil sa lakas ng hangin at dala dala rin niya ang kaniyang tungkod at napatingin si Klay sa itaas dahil nasa gitna siya sa may hagdanan at pagtingin niya sa kaniyang harapan ay nawala na nga si Mr. Torres.

"Kanina ka pa ba diyan?" Ani Klay na makalapit na si Fidel sa kaniya.

"At ano ang iyong sinasabi? Tungkol kay Crisostomo at Maria Clara."

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon