Chapter 93 Pagtatalo

19 2 6
                                    

"PASENSIYA na po kung nakakagulo ako pero sa totoo lang hindi ko naman na gusto na nandito pa ako eh. At kung alam niyo lang pigil na pigil akong magsalita at makialam para wala ng gulo." Ani Klay.

"Sa lagay na iyan Binibining Klay ay pinipigilan niyo na ang iyong sarili?" Ani Fidel.

"Yes. Pinalampas ko na nga iyong ginawa noong isa kanina sa batis eh pero ito pong kay Elias hindi ko ito mapapalampas hindi ko kayang hayaaan na lang siyang mapahamak. Lalo na't ramdam kung mabuti naman siyang tao."

"Ang sinasabi ko lang ay huwag mo lamang itataya ang iyong buhay ng ganoon. Paano na lamang kung nadakip ka ng mga guwardiya sibil at ikaw ay nabaril." Ani Ibarra.

"Ano po bang gusto niyong gawin ko? Manahimik na lang? Hehe. Sorry po hindi ko alam gawin iyon eh. Paano po ba iyon sir? Turuan niyo nga ako katulad ng pananahimik niyo noong winanglanghiya iyong ama niyo. Kasi iyon ang gusto niyong gawin ko hindi ba? Hayaan na lamang na mapahamak si Elias?"

"Wala akong sinasabing ganoon."

"Iyon ang sinasabi niyo sa akin. Huwag akong mangialam hindi ba?"

"Tama na ang pagtatalong ito." Ani Fidel.

"Hindi lilinawin ko lang po at uulitin ko ayaw ko sa mundong ito. Dahil may iba akong mundo pero wala akong magawa. I'm stuck here! Pero hindi ko naman hahayaang may mapahamak na tao dahil lang nanahimik ako, dahil lang ayaw kong mapag-initan ako."

"Amigo huwag mo ng patulan."

"Ms. Klay hindi mo sana ako iniinsulto ng ganito. Hindi lamang mapurol ang aking pag-iisip para pabayaan na lamang ang aking sarili maging ang aking mga mahal sa buhay dahil papaano na lamang kung mangyari iyon. Sino na lamang ang tutulong sa mga bata para magkaroon sila ng sariling eskwelahan." Ani Ibarra.

"Oo nga pala! May maganda nga po pala kayong pangarap para sa San Diego. Matanong ko lang sir hindi po ba part ng pangarap niyo para sa San Diego ang alisin ang injustices at cruelty ng mga fraile at guwardiya sibil laban sa sarili nating kalahi sa tinatawag nilang kriminal na piloto."

"Husto na."

"Sir nasaan na iyong matapang Crisostomo Ibarra kilalang ko na kilala namin sa mundo namin. Naturingan ka pa man ding bida ng kwento pero ang hina mo lagi kang nagpapakaplaysafe. Duwag ka!"

"TILA hindi mo ako kilala kung ako iyong pagsalitaan." Ani Ibarra.

"Gets ko. Magpapakasafe kayo para hindi maapektuhan ang future niyo na gusto mo hayaan ko na lang mapahamak si Elias gaya mo. Gaya niyong dalawa." Ani Klay.

"How dare you accuse me of being safe. Hindi ba't ang aking adhikain upang ipatayo ang mga paaralang ito ay isang pagtulong para mapaayos ang bayang ito. Ano pa ba ang gusto mo ang kailangan kung gawin? Kalabanin ang lahat at ipahamak ang sarili ko gaya na lamang ng nangyari sa piloto, sa aking ama. Hmmm nasira na lang ang pangalang iningatan, nawasak at nawala ang mga taong pinakamamahal. Ng maranasan ko ang nangyari sa aking ama namatay na lamang na kinasusuklaman ng mga fraile maging ng Diyos. Ganoon ba?"

"Sorry po! Sa mga nasabi ko ayaw ko lang namang mapahamak ka at masira ang future mo."

"Pwede ba't umuwi na tayo. Binibining Klay ihahatid ka na namin." Ani Fidel.

"No! As always kaya ko ang sarili ko."

"Talaga bang kagagalitan mo kami dahil sa katigasan ng iyong ulo na isalba ang pilotong kriminal."

"Bakit pilotong kriminal na rin ang tawag mo sa kaniya. Eh alam naman nating lahat na mabuti siyang tao at sigurado akong may rason siya kung bakit niya nagawa iyong mga bagay na binibintang sa kaniya." Ani Klay at naglakad paalis.

"Sandali Binibining Klay sumabay ka na sa amin pauwi." Ani Fidel at napahinto si Klay at tiningnan si Fidel at Crisostomo Ibarra.

"May napanood ako somewhere 'That the only thing necessary for the triumph of evil is for good men to do nothing'." Ani Klay at umalis.

NAGLALAKAD si Klay sa kagubatan at umiiyak habang nasisinagan siya ng araw at siya'y huminto.

FLASHBACK...

"... Ano pa ba ang gusto mo ang kailangan kung gawin? Kalabanin ang lahat at ipahamak ang sarili ko gaya na lamang ng nangyari sa piloto, sa aking ama. ... namatay na lamang na kinasusuklaman ng mga fraile... ... nawasak at nawala ang mga taong pinakamamahal. Ng maranasan ko ang nangyari sa aking ama ..." Ani Ibarra.

END OF FLASHBACK...

Si Klay at napaiyak pa rin at pinahidan ang kaniyang luha gamit ang kamay at napatakip pa ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at pagkatapos mapahiran ang luha at nagpatuloy na siya sa paglalakad.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon