SI Mang Adong ay nagplaplantsa ng damit gamit ang prinsa de corona ang nagsisilbi niya lang ilaw ay lampara at kandila. Inayos niya sa pagkakalagay ang puting long sleeve at ni plantsa ito gamit ang prinsa de corona. Dahan dahan niya itong ni plantsa parang plantsa lang ngayong makabagong panahon pero kakaiba ito hindi ito gumagamit ng kuryente bagkus ang nasa loob nito ay uling na may baga. At pumanta si Klay kay Mang Adong na nagplaplantsa.
"Mang Adong!" Ani Klay.
"Magandang gabi ho senyorita!" Ani Mang Adong.
"Ano pong tawag diyan?" Ani Klay na nakahawak pa sa balabal na nakatakip sa kaniyang dibdib.
"Ah...bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito?"
"Hehe." Ani Klay na napatango pa.
"Ang tawag dito ay ah...prinsa de corona."
"Ah...parang plantsa?"
"Ganoon nga!"
"Paano po gumagana iyan?"
"Ah ganito. Una, hihipan mo muna iyong uling hanggang bumaga tapos iyon ang ilalagay mo sa prinsa de corona." Ani Mang Adong at hinipan niya nga ang uling para bumaga at inilagay niya na ito pagkatapos sa prinsa de corona gamit ang steel na pang ipit.
"Ah...ay ang galing!"
"Nakakatuwa ho kayo senyorita! Ang babaw ng kaligayahan niyo!" Ani Mang Adong na napangiti pa.
"Ah...tulungan ko na po kayo ako na magtutupi."
"Sige po."
"Mmmm...Mmmm...Mmmm..." Hum ni Klay ng magsimula na siyang magtupi.
"Senyorita! Tungkol saan ba iyang inaawit mo?"
"Ah...tungkol po sa isang dalagang umiibig."
"Mmmm...Mmmm...Mmmm..." Hum ulit ni Klay at dumating rin si Fidel doon.
"Magandang gabi po senyorito!"
"Magandang gabi Mang Adong! Binibining Klay! Bakit ka kumakanta?" Ani Fidel at napahawak talaga si Klay sa kaniyang balabal.
"Hindi ah!" Tanggi ni Klay.
"Bakit? Umiibig ka na ba? Hmmm?" Ani Fidel at napayuko pa kay Klay para makita ang mukha nito kasi nakatagilid ito.
"Gusto mong e prinsa de corona ko iyang mukha mo!" Ani Klay at napayuko na lang si Mang Adong sa harutan ng dalawa.
"Mang Adong!"
"Senyorito!"
"Nasaan ho pala si Ibarra?"
"Nasa optina (opisina) po. Gusto niyo samahan ko po kayo?" Ani Mang Adong at nauna nang lumabas.
"Hmmm..." Ani Fidel na tiningnan pa si Klay ngunit nakatagilid lang ito sa kaniya habang nagtutupi kaya umalis na lang siya.
"Hmmm...kapal ng mukha noong Fidel na iyon! Ako? Magkakagusto sa taga dito? Hello! Imposibleng mangyari iyon! Tanda na kaya nila sing tanda ng mga kanunununuan ko! Hmmm...ang goal ko lang naman ay maka-uwi na sa amin. Hindi ko naman planong ma-inlove dito. Ah...ehehe...Mmmm...Mmmm...Mmmm...Mmmm...Mmmm...Mmmm..." Ani Klay sa sarili at napaikot pa sa kaniyang mga mata at sumubok mag plantsa gamit ang prinsa de corona at pagkatapos ng pagplantsa ng kaunti ay hinawakan niya ang long sleeve sa bahagi sa may braso na pagmamay-ari ni Crisostomo Ibarra at niyakap niya ito ng bahagya.
FLASHBACK...
...binigay ni Crisostomo Ibarra ang hikaw ni Klay.
...napayakap kay Crisostomo Ibarra...
...
Si Crisostomo Ibarra at Klay ay naligo sa ulan.
...
Napangiti si Klay nang makita si Crisostomo Ibarra sa isang upuan na nakatulog katabi ng kaniyang silid dahil sa pagbabantay sa kaniya ng may lagnat siya.
...
Kinuha ni Klay bigla ang kamay ni Crisostomo Ibarra at idinampi sa kaniyang pisngi at nagkakatitigan sila na parang nag slow motion.
END OF FLASHBACK...
Si Klay ay nagngingiti pa din habang hawak hawak ang long sleeve ni Crisostomo Ibarra na kilig na kilig.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...