"ALA una y media (1:30) na pala. Nalipasan na yata ako ng gutom para sa pananghalian." Ani Fidel hawak ang kaniyang relo na antigo na animo'y parang kwentas.
"Lo siento, amigo, y te he consumido el tiempo con mis quejas. Hayaan mo't magpapahanda ako ng makakain." Ani Ibarra at tumayo't tinapik si Fidel.
Translation: (Paumanhin, kaibigan at nakain ko ang oras mo nang dahil sa aking mga hinanaing.)"Don Crisostomo! Kayo'y may hindi inaasahang bisita." Ani ng lalaking katulong na paparating lang.
"Sino?"
"Tuloy po kayo." Ani ng katulong na lalaki at naglakad para anyayahan ang bisita na pumasok at pumasok nga si Maria Clara kasama ang kaniyang Tiya Isabel at mga kaibigan na sina Victoria at iba pa at si Fidel na umiinom ng kape habang nakaupo at tumayo na rin upang harapin din ang mga bisita at si Crisostomo Ibarra ay nagulat sa pagdalaw ni Maria Clara.
"¡Buenas tardes!" Sabay na sabi ni Fidel at Crisostomo Ibarra.
Translation: (Magandang Tanghali!)"Ah...isa yata itong surpresa binibini! Hindi nabanggit sayo ni Andeng na hindi man ako makadalo sa pananghalian bisitahin pa rin naman kita ngayong araw." Ani Ibarra.
"Nasabi niya sa akin. Kaya nga kami nagdala ng pananghalian ninyo." Ani Maria Clara.
"Gracias. Ah...halina't maupo kayo. Tuloy kayo." Ani Ibarra at iminwestra ang kanilang inuupuan kanina.
Translation: (Salamat.)"Si." Ani Maria Clara at naglakad na sila upang maupo.
"Andeng, por favor. Pakipasok nga iyong mga pagkain." Ani Tiya Isabel at naupo na sila ni Maria Clara at Victoria at ang iba ay papaupo pa lang.
Translation: (Andeng, pakiusap.)"Bueno, donde esta tu primo?" Ani Victoria.
Translation: (Nasaan ang iyong pinsan?)"Ang aking pinsan?" Ani Ibarra pagkaupo niya at napatingin pa kay Fidel na nakatayo sa gilid niya.
"Oo! Ibarra maari na ba namin siyang masilayan." Ani ng kaibigan ni Maria Clara.
"Si Ms. Klay senyor Ibarra." Ani Fidel na pabulong kay Crisostomo Ibarra pero narinig pa rin.
"Ms. Klay?" Ani Victoria.
"Oo nga pala Klay ang ngalan ng iyong pinsan. Nasaan na nga ba siya?" Ani Maria Clara na nakangiti at napatango na lang si Crisostomo Ibarra habang si Tiya Isabel at Victoria ay napaismid pati na rin ng iba pang tatlong kaibigan ni Maria Clara na nakatayo lang at napalinga pa sa labas.
-ssiella
BINABASA MO ANG
Mestiza de Sangley
Historical FictionBilang isang Gen Z, siyempre, hinahalo pa rin ni Klay ang mga modernong salita sa mga pag-uusap. Kaya, nang sabihin niyang, "Babu," bilang isa pang termino para sa "Paalam," naiwan si Fidel na nalilito. Ngunit ito, nang maglaon, ay naging isang baga...