Binuksan ni Cairo ang pinto ng kaniyang silid at saka niya binuhay ang ilaw. At isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Humakbang siya palapit sa kaniyang closet kung saan nakatabi rito ang kaniyang maliit na luggage,
Kinuha niya ito at inilapag niya sa kaniyang kama at saka niya binuksan ang zipper nito. At saka siya muling lumapit sa kaniyang closet para naman buksan ang dalawang pinto nito. at saka siya tumayo sa harapan ng kaniyang nakabuaks na closet at pinagmasdan niya ang kaniyang damit na maayos na nakahanger at nakatupi.
Isang buntong-hininga muli ang kaniyang pinakawalan. Kailangan niyang bumiyahe sa gabing iyun para magtungo sa kaniyang tinanggap na trabaho sa lugar na nasa bandang norte. At nalaman niya na may maganda nang lumang parola sa lugar na iyun na excited siyang makita.
Ngunit ang pananabik na kaniyang naradama ay nabahiran nang kalungkutan at pag-aalala. Kalungkutan para sa kaibigan na matagal na siyang nangungulila at hinahanap-hanap. Katulad nang pangungulila ng kaniyang kuya ay ganun din ang kaniyang nadarama sa bawat araw na lumipas mula nang magpaalam at maghiwalay sila ni Harlow sa bus terminal sa Agusta.
"Madaya ka, dapat kasama kita ngayon, usapan natin ito hindi ba?" ang pagkausap niya sa kaniyang sarili na tila ba maririnig siya ni Harlow.
Nangako kasi sila sa isa't isa noon na kapag nakapagtapos na sila at nakapag-trabaho ay magtatravel silang dalawa. Lilibutin nila ang Pilipinas na magkasama. Pero, nilisan nga nito ang Villacenco mula nang mamatay ang ama nito at hanggang sa sandaling iyun ay wala siyang ideya kung nasaan ang kaniyang matalik na kaibigan.
At kasama ng kalungkutan ay ang pag-aalala na kaniyang nadarama, at iyun naman ay para sa kaniyang kuya. Mula kasi nang iwan ito ni Harlow ay nabalot na ito nang kalungkutan. Ngunit, nabuhayan sila nang loob nang magpasya itong mag-aral na muli at kumuha ng kursong katulad sa kaniya.
Naging masaya sila sa paraan nang paghihintay ng kaniyang kiya sa pagbabalik ni Harlow ngunit nitong nakaraan na araw lang ay muling sinubok ang kaniyang kuya at ang kaniyang pamilya nang malaman nila na muntik na itong magpakamatay nang dahil kay Harlow.
Naging parang babasagin ang kaniyang kuya kung paano nila ito tratuhin ngunit sa pagsubok nito sa buhay ay ang kuya niya rin ang lumaban, kasama ang mga kaibigan nito at ang kaniyang mga magulang. At siyempre siya na rin.
Kaya naman nang muli niyang makitaan nang ngiti at pag-asa ang kaniyang kapatid ay ipinadama niya agad dito na lagi lamang siyang nasa tabi nito at nakahanda na tumulong anumang oras. At iyun naman ang katotohanan.
Hinila niya ang ilan sa mga kailangan niyang damit at saka niya dinala iyun sa kama. Isa-isa niyang inalis ang hanger ng mga pang-alis na damit na kailangan niya kapag makikipag-meeting siya sa mga officer's ng LGU at siyempre ang kaniyang working clothes na binubuo ng hoodie, shorts, at snickers.
Tiningnan niya ang oras mula sa wall clock. Mukhang wala pa rin ang kaniyang kuya at kasama pa rin nito ang mga kaibigan.
Itinupi niya ang mga kinuhang damit at maayos niyang inilagay iyun sa kaniyang naghihintay na luggage. Ibinalik niya ang mga hangers sa loob ng kaniyang closet at muli siyang kumuha sa loob ng kaniyang closet. Mga pares ng kaniyang panloob at pantulog na damit.
Muli siyang bumalik sa kaniyang kama at maayos niyang itinupi ang kaniyang mga kinuhang damit. Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi nang maalala niya ang dahilan kung bakit pa rin sa kanilang bahay ang kaniyang kapatid.
Nalaman niya na mayroong ginagawang hakbang at plano ang mga ito kung paanong makikita nito ang kaniyang kaibigan na si Harlow. Umaasa siya na maging matagumpay ang kaniyang kuya dahil siya man ay nangungulila na rito.
Nagkalayo man sila noong mga panahon na nag-aaral sila sa kolehiyo ngunit walang sandaling hindi sila nakakapag-usap. Kaya naman napakalaki nang pagkakaiba nang mga panahon na lumilipas sa pagitan nilang magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
RomanceTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...